25: POSSIBLE, RARE, IMPOSSIBLE

31.5K 337 58
  • Dedicated kay to all loyal MBBB readers
                                    

Dedicated sayo kung isa ka sa mga hindi nagsasawang mag-abang ng update sa story na ito. Maraming salamat!!

Happy Christmas! Enjoy the holiday!

CHAPTER 25: POSSIBLE, RARE, IMPOSSIBLE

Meg’s POV

Nakakatakot si Austin ngayon. As in. Hindi ko pa siya nakikita na todo-todo sa galit. Ngayon lang. Alam kong MMA fighter siya at mas malala pa iyon dahil doon siya sa illegal sumasabak.

Hindi na ako nakapag-isip pang muli. Mabilis kasing nakakawala sa mga pumipigil na bouncer si Austin at agad kwinelyohan si Mico na nasa likod ko at malakas na sinapak.

Kasabay ng pagputok ng labi ni Mico ang pagpikit at pagtili ko. I know it hurts kasi dinig na dinig ko ang lakas ng impact ng suntok na iyon ni Austin. Kahit na malaki ang katawaqn ni Mico at pareho lang sila ni Austin sa tangkad, sobra pa rin akong nag-aalala para kay Mico dahil kahit trained US Air Force siya, wala siyang mahabang panahong experience sa mga labanan na tulad ni Austin.

Si Austin.

Ghaaad! Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang ginagawang suntukan ng dalawa. AT DEHADO SI MICO!

Wala akong nagawa kundi ang tumili ataawatin kona sana yung dalawa sapag-aaway nila kung hindi ko lang naramdaman yung malalaki at malalakas na mga braso ng isang lalaki na pumaikot sa bewang ko.

Bumulong ito sa tenga ko. “Shh, honey, I’ve got you. Don’t try to stop them. They need this to settle things.”

“Pero, Avan—”

“Wag, Meg.” Matalim ang pagkakasabi ni Avan. I know hindi siya totally gay at dapat making ako sa kanya since alam niya ang pumapasok sa kokote ng mga kapwa niya lalaki. Pero, shemay lang! Hindi ko kayang manuod lang habang nagsusuntukan ang dalawang lalaking mahal na mahal ko!

And then it hit me. Litterally hit me. May isang piraso ng sirang metal na mukhang nagmula sa barstool na kakasira pa lamang ang biglang lumipad sa direksyon namin ni Avan at natamaan ako sa bandang tiyan.

Masakit yung tama pero hindi naman ganoon kalala. Ni hindi nga rin napansin nung dalawa na may lumipad ng gamit sa akin dahil sa pagbubugbugan at paghahampasan nila ng mga bagay na mapulot nila!!

Sabay ng pagtama sa akin nung metal, may isang bagay akong narealize. Naisip kong muli yung naisip ko kanina.

Dalawang lalaking mahal na mahal ko!

Oo nga naman. Masyado akong nahumaling sa idea na nakabalik na si Mico at ngayong nag-confess na siya sa akin na mahal niya din ako, na mahal naman niya talaga ako noon pa, wala na akong ibang naisip kundi ang ipagpatuloy yung kung ano naman talaga dapat ang noon pa naganap. Ang maging kami ni Mico Valdama.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon