40: ROYATA

20.1K 399 46
                                    

Hindi ako agad nakapag-update agad as planned dahil nagpa-minor surgery pa ako sa daliri so I couldn't type properly. Sorry for making you guys wait.

Anywayyyy, maraming nagtatanong kung ano daw ang Royata. Read and find out! ENJOY! :)

CHAPTER 40: ROYATA

Meg's POV

Dinala ako ni Ace sa isang mahabang hallway. Hula ko ay mga suite ang naririto sa wing na ito. Bwisit pa rin ako sa kanya. Dinala niya ako dito sa Royata without my permission. Gusto kong puntahan si LA pero ngayong malakas ang kutob kong nandito siya sa ancestral house nila, alam kong maaalagaan siya ng tama at hindi na niya ako kakailanganin pa. Hihingi na lang ako ng updates kay Mishaila.

Dati, pinangarap kong dalhin ako dito ni LA. I wanted to know saan siya lumaki, sino ang pamilya niya, ano ang ugali niya pag kasama niya ang pamilya niya sa bahay nila, and stuff like that.

Pero ngayon, natatakot akong tumapak dito. I left him for a whole year at sumama sa ibang lalaki. Malamang his folks are effin' mad at me! If someone did that to any of my brothers, kasusuklaman ko yung babae. That's why takot at kinakabahan akong tumapak dito.

I don't want LA's family to hate me.

As much as I hate LA for cheating on me, I love him still. And I want the approval of his family.

May nakita akong double door sa dulo ng napakahabang hallway. Malakas ang kutob kong ito ang kwarto niya. Dahan-dahan, pinihit kong pabukas ang doorknob. May nakatalukbong na tao na nakahiga sa kama. Iyon agad ang nakita ko. Kumakabog ang dibdib ko dahil alam kong siya na yun.

Malamang tulog siya. Nagpapagaling eh. Kaya medyo nabawasan na rin yung kaba ko sa unti-unting paglapit ko sa kanya.

Pagkaupo ko sa gilid ng kama, dahan-dahan kong inalis ang pagkakatalukbong sa kanyang buong katawan.

Bahagya akong napaatras at nanlaki talaga ang mga mata ko.

“WALANGYA KA TALAGA KAHIT KAILAN!!!” Pinagpapapalo ko siya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko! Mukhang kung hindi ko pa siya pinalo-palo, hindi niya mapapansing nadun ako. Ni hindi nga niya napansin na tinanggal ko ang kumot niya!

“What the fxck-” Nanlaki ang mga mata niya. “Shit, Meeraya! What are you doing here?!” Nang mapansin niyang akong iyon, napabalikwas siya sa kama at napatigil sa paglalaro sa kanyang phone.

YES!!! What the eff, diba?!! Naglalaro lang siya!

“Nakakabanas ka! All along, akala ko kung anong nangyari na sayo! Alalang-alala ako sayo!! Yun pala, nakahilata ka lang dito sa kama mo at panay laro!” Hinampas ko ulit siya. Di ko naman sinasadya pero sa dibdib niyang hubad pumadpad ang palad ko. Doon tuloy sa malapad niyang dibdib napadpad ang mga mata ko. Napaangat agad ako ng tingin. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon