32: TANGLED

26.8K 332 33
                                    

Naging super busy ang life ko these past few days. Super sorry. :(

ENJOY! :*

CHAPTER 32: TANGLED

Meg’s POV

Kanina pa naghahalughog si Aleyna dito sa kwarto na pansamantalang tinutuluyan ni Ace. Sa bahay kasi kami ngayon ni Mishaila. Sa tatlong kwarto dito, pinahiram ni Shy yung dalawang kwarto para kina Rye at Ace nung umalis sila sa condo ni LA.

Umupo ako sa higaan habang tinitignan ang bestfriend ko na naghahanap ng kung ano.

“Hey, Nana.” Tawag ko na agad naman niyang sinagutan ng isang ungol pero patuloy pa rin sa paghahanap. “Diba mayaman ang mga Bellisario? Eh bakit dito nakikistay sina Ace and Rye? Dati dun sa condo namin, tas ngayon dito naman. Do you know why?”

Patuloy pa tin siya sa paghahanap ng hindi ko mawari kung ano nang sinagot niya ako. “Alam mo namang mas mayaman pa sa combined wealth ng Villabela at Montelaxa ang angkan ng Bellisario, diba? Pero kahit ganoon, pinalaki silang lahat na hindi nakakalimutan yung dating buhay na meron ang great grandfather nila. Ang sabi sa akin ni Ace, iba daw ang pakiramdam kapag nakatira sila kasama ang isa’t isa. Eh since nasa California ang grandparents and parents nila for a whole year, ayaw nilang tumira doon sa mansion ng sila-silang magpipinsan lang. Kaya ayun, yung cousins nilang girls ay nagstay sa isang bachelorette pad tas itong guys naman, ayun, sama-sama din.”

Namangha naman ako sa sinabi ni Aleyna. Wow lang! Ang close pala ng family nila? Para tuloy ang sarap maging part nun…

Pero, teka… Medyo na-bother lang ako sa sinabi ni Aleyna kanina. “Sabi mo one year sa States ang parents and grandparents nila?”

“Oo.”

“K-Kelan pa?”

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon