43: NEVER MY PRIORITY

17.5K 285 25
                                    

Dedicated ito kina Kareljane4ever and unjaenayoungwaonhee dahil nung sinearch ko ang pangalan ko sa wattpad, natuwa ako na nadun ako sa profile nila saying I'm one of their favorite authors. <3

Si LA my loves oh ---->

CHAPTER 43: NEVER MY PRIORITY

Meg’s POV

Alam kong nasa tabi-tabi lang si Cade pero hindi ko na lang ito muna pinansin. Don’t get me wrong, I’m glad that he is back. Pero wala nang saysay sa akin kung bumalik man siya o hindi. As far as I am concerned, the only relationship I want to have is the one I have with LA. Kung maging friends ulit kami ni Cade, maganda iyon, pero kung hindi man, I don’t give a damn.

Mag-aalas onse na ng gabi pero imbis na humina ang enerhiya ng lahat, tila mas sumigla pa sila. Of course, tonight’s the beach party at rest day naman bukas. Walang rason para hindi magparty.

“Come on, beautiful. Dance with me.” Tumawa ako dahil bigla akong hinigit ni Rye para sumayaw. Hindi ko alam na nandito rin pala siya. Kung sabagay, kahit naman sikat na rock star siya, nag-aaral pa rin siya sa university na pinapasukan ko.

Nakakaaliw sumayaw si Rye at kung titingin ako sa may table namin, nakikita kong pilit tinatago ni LA ang ngiti sa mga labi niya. Ayaw man niyang aminin, masaya siya at kasundo ko ang pamilya niya. His family means the world to him.

Tumabi sa amin sina Ziva at Avan na nilalandi ang isa’t isa habang sumasayaw. Mas lalo akong natawa dahil never in a million years kong naisip na makikita kong sumayaw si Avan na lalaking-lalaki. Si Caysa at si Aleyna naman ang magkapartner at kita ko naman na nag-eenjoy sila.

“Back off, dude. She’s mine.” Napataas ang kilay ko sa sinabi ni LA sa sariling pinsan pero si Rye ay tinaas ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko at saka tumatawang ipinaubaya ako kay LA.

“I’m not hitting on her, man. She’s family.” Tumawa ulit siya at napatingin sa kanan. Kumunot ang noo niya at sumeryoso. Medyo nanibago ako dahil sanay ako na makulit si Ryder. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko na yung Naika kanina ang tinitignan niya. Well, sa palagay ko lang naman ay siya ang ang tinitignan ni Rye.

Nakatitig pa rin ako dun sa babae nang si LA naman ang tumawa. “Take care of her. She drank almost four bottles of fxcking Mucho. But that’s cool ‘cause she won that ridiculous contest.”

Kinagat ni Rye ang ibabang labi niya. “Nadistract lang ako ni Meg pero kanina ko pa yan hinahanap. Lahat ata ng ayaw ko ay gustong gawin eh. Just to spite me.”

“Easy, Ryder. A girl worth having is not gonna be easy to get. You’ll gonna have a wild ride with that one.” Nagpasalamat lang sa amin si Rye at umalis na. Pupuntahan siguro yung Naika.

Napalitan ng isang mabagal na love song ang kaninang pangparty na musika. Hinapit ako ni LA sa kanyang katawan at saka ibinaba ang bibig sa tapat ng aking tenga at bumulong.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon