27: FIST OF FURY

28.3K 169 12
                                    

Dedicated to these fabulous girls: Lodine, Bea, Carrie, Shin, Bernadette, Krista, Jereca, Jiereh, Charmaine Zeth, Charisse, Joshua Joy, May Ann, Abrila, Lyann, Efiros, Leighnie, Michelle, Ladylyn, Carmela, KP, Ariane, Abcydy, Kris Bernadette, Khim Jharen, Pinky Rose, Headay, Tonee, Kex, Noela, Bethel, Alicia... and sigi na nga, isama na natin ang magandang si Rhima.

Hope you enjoy your tour in Nike Land! ;) Hindi ito naka-private. Christmas and new year gift ko.

WARNING: SPG AHEAD. 

CHAPTER 27: FIST OF FURY

Meg’s POV

Sa sobrang bilis magpatakbong big bike niya si LA, walapaatang kinse-minutos ay nakarating na kami sa 5th floor ng condominium namin. Nandito kasi yung parking space allotted  for LA’s vehicles. Nang pinark niya na yung big bike niya sa tabi ng isang Aston Martin. Napangiti ako. Ang sasakyang ito kasi yung sasakyan na gamit-gamit ni LA nung first night na nagkita kami. Shemay. I think lahat ng dugo ko umakyat na sa ulo ko. That first night. And feeling ko— no, scratch that, alam ko na mangyayari ulit yung kung anong kababalaghang nangyari noong gabing iyon.

But unlike that night, hindi na ako kinakabahan, but instead, excited na ako. Ang tagal na rin kasi since last time we did our “marriage privilege”.

Pinauna akong pababain ni LA. Inalalayan niya ako pababa ng malaki at medyo bad boy type niyang motorbike nang biglang sumabit yung hood ng jacket niyang suot ko sa kinauupuan ko, dahilan para mapasubsob ako pabalik at medyo humampas yung dibdib ko sa likod niya.

Nagtama yung mga mata namin pareho. Alam kong nadama niya. Damang-dama niya.

At hindi nga ako nagkamali nang makita ko yung unti-unting pagngiti niya ng nakakaloko. Napa-krus tuloy ako ng mga kamay sa tapat ng dibdib ko.

“O-Oi! Pinag-iisip mo diyan?!”

Pinisil niya yung ilong ko at sabay wiggle ng mga kilay niya. “Ang sarap naman ng feeling ng nahuhulog ka pabalik sakin. Pwede paulit? Damang-dama ko, babe!”

Namilog ang mga mata ko samantalang tumawa naman siya ng ubod ng lakas. Buti na lang, sobrang private ng parking space ni LA dito kaya walang kahit sino ang pwedeng dumaan.

“Ayan ka na naman! Ang pervert mo na naman! Kainis!” Hinampas ko ang dibdib niya ng mahina. Mahina lang syempre para magmukhang pakipot lang ako, which is true— nagpapakipot ako. And I have no idea why the heck I’m doing it.

“At ayan ka din naman! Ang pa-shy type mo na naman eh ilang beses na bang nagawa natin yun? It’s not like hindi ko pa nakikita, nahahawakan, at nalalasahan yang buong katawan mo!”

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon