Dedicated to her dahil sa mga private messages niya sa akin! Nakaka-touch talaga! :) Imagine, natulog siya ng 4:30 am para lang matapos basahin yung updates ko. THANK YOU!!! <3
Sorry, natagalan. Busy talaga sa academics. You understand me naman, diba? Waaah! Sorry! Hirap kayang mag-aral.
ENJOY! :*
CHAPTER 13: I’M DONE
Nagbayad at bumaba na agad ako sa taxi pagkadating na pagkadating sa tapat ng condo. Mabilis akong pumunta sa elevator at pumasok. Mabuti na lang at walang kahit isang tao dito.
Pasarado na ang elevator nang biglang may humarang na kamay kaya napatingin ako sa lalaking bagong dating.
Sa tindig at katawan niya, alam ko na kung sino ito. Walang makakatangging isa itong Bellisario.
For a minute there, akala ko si Austin na yun. Akala ko dahil nakita niya ako at sinundan. But as usual, I’m wrong when it comes to that guy. Hindi naman kaya ni Austin na iwanan yung napaka-perfect niyang girlfriend para lang habulin ang isang walang kwentang ako.
At mas lalong hindi si Austin ang lalaki ngayon na galit na galit sa harapan ko.
“Who hurt you, Meg?”
Hindi ako makasagot sa tanong niya. Nakakahiya kasi. Nakakahiya na ang lalaking minahal at hanggang ngayon ay akala ko ay mahal ko pa rin ang siyang nakagawa nitong pananakit sa akin. Nakakahiya na yung lalaking iniyak-iyakan ko noon ang siyang nagpapaiyak sa akin ngayon.
Hindi ko pwedeng sabihin ang mga iyon. I still have a little pride left for myself.
Umiwas na lang ako ng tingin at umusog sa pinakasulok ng maliit na espasyo ng elevator.
Pero nagulat ako nang biglang may malalaki at matitigas na mga kamay ang humawak sa kamay ko. “Meeraya naman. You married my cousin and that makes us a family. No one turns their back on family. You’re a Bellisario now and I can’t just let this slip. Not when your hurt like this.”
Hindi ko inaasahan ang ganoong kaamo at kalumanay na tono niya. Ibang-iba sa Ryder na kilala ko na lahat ata ng sentence na banggitin ay may kasamang mura. Napatingin tuloy ako sa kanyang mukha.
Hawig talaga sila ni Austin. Pero bakit ganoon? Bakit yung mga pinsan niya may malasakit sa akin, pero siya wala? Bakit sila nag-aalala sa akin samangtalang walang pakialam naman si Austin?
“W-Wala to, Rye. Don’t worry. It won’t h-happen a-again.” Naluluha na naman ako. Tumigil na nga ako kanina eh. Pero ang pag-aalala nito ni Rye ay parang nag-uudyok sa akin na umiyak ulit.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy's Bride
Romance[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to anyone. She hides her true self to protect her reputation. Their paths would never cross -- until one...