Thank you Ate Lodine for making a group for this story! :* Guys, join naman kayo sa Bellisario Bad Boys na group sa fb!! Ako at si Ate Lodine lang ang member eh. Maawa na kayo. I-gift niyo na sa akin this Christmas and new year ang pagjoin niyo.
Enjoy reading! :*
(Read the note afterwards, guys. Please. Thanks.)
Not proof-read. Sorry for errors.
CHAPTER 26: AKO O SIYA
Para akong nasa movie. Yung tipong mag-blablack yung lahat ng nakikita ko then after ilang sandal lang, may makikita ulit ako.
Para akong yung nagpipilit na manatiling gising kahit konting-konti na lang ay lalamunin na ng dilim ang lahat dahil mahihimatay or makakatulog or whatever man yan.
Naramdaman kong ipinasok ako sa isang sasakyan. Malamig, komportable at alam ko ang amoy nito. Amoy pinagsamang leather at pabango niya.
Hindi ako pwedeng magkamali. This is Mico's car.
Nagising ako ng tuluyan. Para kasing may commotion na nagaganap sa labas ng kotse eh.
Pinilit kong imulat ng husto ang aking mga mata. Nakita ko sina Austin, I mean, LA at Mico na inaawat ni Avan. Mas lalong nagising ang buong sistema ko. Baka mag-away ulit sila! Hindi pwede iyon!!
Agad akong lumabas at nakita ko namang naagaw ko ang pansin nilang tatlo.
"Stay in the car, Megsters." Utos sa akin ni Mico. Pero hindi ko siya pinakinggan.
Lumapit ako kina Aus-LA at pumagitna sa kanilang tatlo. Matalim ko silang tinignan. Magsasalita sana ako nang bigla akong marahang hinawakan ni LA sa aking braso.
"Baby, you need to rest. As much as I fxcking hate to say this, but the fxcker's right. You should stay in his car for the meantime."
Hinawakan ni Mico ang kabilang braso ko at pinadausdos ang kanyang kamay hanggang sa maabot niya ang kamay ko. "Megsters, you need to rest. I'll take you home now."
Naging mabilis ang pangyayari.
"THE FXCK YOU WILL!" Magkakwelyuhan na ulit sina LA at Mico. Parehong may nanlalaking mga mata na nagbabanta sa isa't isa ng matinding sakit sa katawan.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy's Bride
Romance[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to anyone. She hides her true self to protect her reputation. Their paths would never cross -- until one...