Dedicated to her. Binulabog niya ang inbox ko. Lol. :)
Happy reading, my super beloved readers! LA, my loves oh. (Oh, please. Ishtap. So hot.)--->
CHAPTER 47: ONE LAST DAY
Meg’s POV
Kinuha ko ang tasa ng kape ang ininom ko na lahat. Nakatingala at nakapikit pa rin si LA habang nakatakip ang mga mata niya ng isang kamay. Nanginginig ang mga kamay kodahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.
Ginusto ko ang malaman ang katotohanan. Noon pa man, gusto ko na malaman kung bakit hindi kayang bitawan ni LA si Nina. I want the truth so much! And now it’s slowly unraveling, parang ayako na…
Tumayo ako at naglakad palapit dun sa pond na kanina ko pa tinititigan. Come to think of it, medyo pamilyar ang lugar na ito. Lumapit pa ako dun sa may railing. Naramdaman kong nakasunod sa akin si LA. Nang nandun na ako, sumandig ako at pinagmasdan ang mga koi fish na palangoy-langoy at walang prinoproblema. Ginaya ako ni LA. Lumipas ang ilang minute, ganun pa rin kami. We’re both lost in our own thoughts.
“Alam ko na kung bakit pamilyar itong lugar na ‘to.” I said kahit naman alam kong wala namang katuturan ang mga pinagsasabi ko. “Madalas naming nadadaanan ito kapag gusto naming magkape ni Aleyna sa Tagaytay.”
Napatawa siya nang bahagya sa sinabi ko. “Pwede naman kayong magkape sa mga mansion niyo, bakit sa Tagaytay pa?”
“Dun sa coffee shop na iyon, nakabalandra sa amin ang ganda ng Taal Volcano. Isa pa, masarap uminom ng mainit na kape kapag malamig ang paligid. At mas lalo na kapag tipsy ka. You know. Hindi kami pwedeng umuwi ng lasing kaya imbis na umuwi kami at parehong pagalitan, edi nagpapalipas na lang kami ng kalasingan sa isang coffee shop.”
Naging tahimik ulit kaming dalawa. “Do you miss your bestfriend?” Tanong niya.
Pinagmamasdan ko pa rin ang mga koi fish. Ni hindi ko namalayang napangiti na pala ako. “Buong buhay ko kasama ko lagi si Aleyna. And then we happened. I guess hindi ko namamalayan pero miss na miss ko na ang bestfriend ko. I miss being silly and ridiculous with her. I even miss our middle-of-the night-Tagaytay-escapades.” Hindi ko pinahalata na napansin kong lumungkot lalo ang mga mata niya noong binanggit kong “we”. Hindi ko siya sinisisi kung bakit sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Ginusto ko naman iyon at sarili ko iyong desisyon. Ang kaso, hindi ko maiwasang hindi manghinayang sa mga panahong ginugol ko sa kanya at nakalimutan kong marami pa akong ibang kaibigan at hindi lang sa kanya sumesentro ang buhay ko. Nakakapanghinayang lang lalo na at peke naman pala ang lahat.
“You know,” Pag-uumpisa niya pero sa mga isda din ang tingin niya, “you’d love our rest house. You can see the Taal in almost all the rooms. In fact, doon tayo pupunta ngayon.”
***
Tama nga si LA. Magugustuhan ko nga talaga ang rest house ng mga Bellisario dito sa Tagaytay. Hindi ito kasing laki at engrande ng mansion nila sa Manila pero mas malaki pa rin ito sa mga bahay ng kapitbahay namin.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy's Bride
Romance[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to anyone. She hides her true self to protect her reputation. Their paths would never cross -- until one...