Dedicated to her kasi lahat ata ng chapters nito ay may comment siya. Thank you! <3
Hi kay @storklemm na halatang nagbabasa ng Autor's Notes! Thank you!
HUGE THANKS TO NEW FOLLOWERS AND READERS! Sorry, di ko na kayo maiisa-isang puntahan sa mga profiles niyo at personal na magpasalamat. :*
May mali dun sa A/N ko last update. It should be "date nila Meg and Cade" and not "Nina at Cade".
ENJOY!
CHAPTER 12: FAMILY FACTS
I must admit na kinakabahan talaga ako ngayon. Eh ikaw ba naman pumunta sa puder ng ex mo na first time umiyak dahil sa iyo eh? Feel ko papasok ako sa lungga ng mga kalaban! Waaaah! Bakit ba kasi dito sa family gathering ako dinala nitong si Cade?
“Hello po, Tita!” Pa-cheerful na bati ko sa mama ni Cade. Nahihiya pa rin kasi ako eh. Sana lang di mukhang plastic yung ngiti ko.
“Glad you made it, Meg! It’s nice to see you again! Nung naghiwalay kasi kayo nitong anak ko,” Pagbati sa akin ni tita, “ni anino niyang si Cade hindi natungtong dito.”
Nakakakonsensya naman itong si tita. Pero, hindi ko rin naman akalain na gagawin ni Cade iyon eh. Hindi lang naman siya ang nasasaktan at nahihirapan.
Umupo na kami sa isang round table na good for ten people. Sa tingin ko, mga magulang at kapatid ni Cade ang kasama namin sa table na ito.
“Meg! You’re here!” Paglingon ko, binati agad ako ng mainit na yakap ni Ate Che, ang ate ni Cade. “Akala ko niloloko lang ako nitong kapatid ko na isasama ka niya ngayon eh!”
Umupo na sa tabi ko si Ate Che at nagkwentuhan kami hanggang sa nagstart na yung family reunion at napuno na ang bawat tables.
“You look fantastic, Meg!” bati ng batang kapatid na lalaki ni Cade.
Naka-sleevelss dress na flowing and long back cocktail lang ako. Medyo simple lang talaga ang outfit na ito kumpara sa mga damit ng mga nandito pero di rin matatanggi na I look very elegant kahit na nakalugay lang ang mahaba kong buhok. Gusto ko lang kasing magmukhang comfortable, kahit na hindi ako ganun ngayon.
“Ah, Meg. You look absolutely beautiful! So… how’s your dad and his media world?” Pssh. Kainis. Kayaayaw ko sa dad ni Cade eh. All he thinks is business… and money! Lagi pa niyang ipinapamukha sa akin na I’m only good as my father’s broadcasting company.
Si Dad kasi ang may-ari ng Villabela Broadcasting Company- ang leading national television network sa buong Pilipinas. Walang sabi ang ABS-CBN at GMA sa VBC. It is also the home of several big stars like Talk Back and You’re Dead stars na sina Timothy Odelle Pendleton, Samanta, and Jared Dela Cruz. PAti yung Sadist Lover trilogy, 3 Words 8 Letters, Tamako and Tamado Sia stories ay under din sa network namin. Pero ang pinaka-favorite ko sa lahat ay yung all-time highest ranked TV series na The Despicable Guy. So you see- no pressure sa akin, diba?! Gosh!
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy's Bride
Romance[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to anyone. She hides her true self to protect her reputation. Their paths would never cross -- until one...