Dedicated to her kasi suportado niya (votes and comments) ang story na ito. Thank you!!!
Welcome to the reality, guys! Enjoy! <3
CHAPTER 8: REALITY BITES
I’m bored as hell ngayon. Wala akong panahong making ngayon sa lecture. Broadcasting kasi ang topic namin ngayon and ang walanghiya kong bff ay naglalaro lang ng 4 pics, 1 word. Ni hindi nga rin siya nakikinig.
Hulaan niyo anong ginagawa ko??
Yieeeeh! Nirereplay ko lang naman sa utak ko yung mga ginawa namin ni Austin kahapon!! Kakilig kaya! Oops! Bago isiping may nangyari samin, inuunahan ko na kayo, WALANG NANGYARI SA AMIN NA KABERDE-BERDE!!! Actually, nagkaroon pa nga kami ng pact na “no sex” kasi makakagulo lang yun sa amin.
Pero ang loka kong bestfriend ay hindi naniniwalang magagawa namin yun ni Austin kaya nga nagkapustahan pa kami eh. Ewan ko lang anong prize sa pustahang to …
“With our country’s broadcast code, broadcasting practitioners are guided very well. The code is like your map. It guides you to what you want to achieve and how you should … Wow, Ms. Montelaxa! Thank you for not paying attention to your professor who has been been chatting here non-stop!”
Nagsitahimik ang lahat pero si Aleyna unconscious pa rin sa nangyayari sa kapaligiran niya kasi naka-earphones pa siya. Gusto ko ngang tumawa kasi lahat ng attention naka-focus sa kanya pero wala siyang ginagawa kundi making ng music, maglaro ng 4 pics, at nagpapatango-tango pa siya dahil napapasabay siya sa beat ng kanta.
Nawala bigla yung atensyon ng buong klase kay Aleyna kasi may tao sa likod na biglang napatawa ng mahina.
Hala!
Kilala ko yung tawang iyon! Sa araw-araw ba namang kasama ko yan sa bahay eh makakalimutan ko ang pagtawa niyan? Di rin no!
“Oh, Mr. Bellisario. I didn’t hear you coming. Kanina pa ho ba kayo diyan?” Kung kanina eh kaunti lang ang nakakuha ng atensyon niya dahil sa mahina niyang pagtawa, ngayon lahat na eh nakatitig sa kanya. Pagkasabi pa lang ni Prof. Mayshell ng pangalan niya, lahat eh automatic nang napalingon sa kanya.
“No, Ma’am. Anyway, we can only stay here for a few minutes since we have an emergency meeting.” Nung pagkasabi niyang “we”, dun ko lang napansing may kasama pala siya. Mukhang nasa early 20’s din siya at pareho silang naka-business attire.
“I believe everyone here is familiar with the 2007 Broadcast Code of the Philippines, right?” Nung napadaan yung tingin niya sa amin, agad kong siniko si Aleyna kasi may feeling na ako na baka tawagin siya nitong ugok na ito. Pero syempre, di ako pinansin ni Aleyna.
Naglakad yung dalawang bagong dating papunta dun sa tabi ni Ma’am tas agad na tumingin sa direksyon namin.
“Can you please cite the preamble of the the code… Ms. Aleyna Montelaxa.”
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy's Bride
Romance[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to anyone. She hides her true self to protect her reputation. Their paths would never cross -- until one...