CHAPTER 36: BRING DOWN, STAY DOWN
Meg’s POV
This is annoying. And boring. Totally b-o-r-i-n-g.
“Why am I even here, Mico?” I ask him for the nth time as I start to rummage through my things to get my phone. Kanina pa kasi talaga ako naghihintay dito sa Students’ Affair office. Hinihintay naming dumating yung taong gustong kumausap sa akin. I’ve got no idea about the who and what. And it’s not as if I care. All I know is bored na bored na ako and that I wanna get out of here. Fast.
Napa-buntong hininga si Mico sa akin. Masyado na ba akong makulit sa kanya? Hmm.
“Why do you keep on asking that when you know I wouldn’t tell you anyway? You know getting information out of me is futile.” I roll my eyes at him. Typical Mico Valdama.
Siya ang nagdala sa akin dito tapos hindi niya sasabihin sa akin ang dahil bakit. Masaya na ako sa States eh. Maayos na ang pamumuhay ko dun. I’ve got friends there, hindi man marami pero I don’t care. At least hindi nila ako iiwan at sasaksakin patalikod.
After learning about my past, alam ko sa sarili kong may nagbago sa akin. It’s like nagpapanggap ako noon. At nang malaman ko ang mga nangyari, bumalik ako sa unang pagpapanggap ko.
Magulo ba? Well, that’s me. Meeraya Glyn Villabela— magulo at komplikado.
Nung nawala ang ilan sa alaala ko, nakalimutan ko yung pagpapanggap ko bilang isang mabuting anak ng mga Villabela. Kasabay ng pagkawala ng aking memorya ay ang pagkawala ng Meeraya na may paninindigan at may tapang. Naiwan yung mahina at madaling mauto. Nawala yung wild side ko na pilit kong tinatago noon mula sa aking parents. At sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin. Akala ko noong mga panahong kasama ko siya, siya na laging laman ng isip ko, ay nagpapanggap na ako dahil may reputasyon at imahe akong pinapangalagaan. Mali pala ako. Nalaman ko lang na sukdulan ang pagpapanggap ko noon nang bumalik ang lahat sa akin.
Napangiti ako ng mapait. My life constantly revolved around me pretending to be someone else. At ngayon, balik ako sa dating gawi. Sa kinasanayan ko bago pa man may mga walang hiyang pumasok sa aking buhay para manggulo. Ngayon, bumalik na ang nawalang Meg Villabela.
Yung walang sinasanto, walang pakialam, walang pinapalagpas. Yung babaeng patago kung gumawa ng kalokohan at pailalim kung umatake.
People see me as a good girl. What they don’t know is that I’m a bad girl who just doesn’t get caught.
Nawala ako sa pag-iisip nang maramdaman kong nakatitig sa akin si Mico at mukhang naghihintay ng sagot ko. Shizz! Masyado kasi akong preoccupied sa mga naiisip kong ewan eh!
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy's Bride
Romance[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to anyone. She hides her true self to protect her reputation. Their paths would never cross -- until one...