Dedicated ito kina Kareljane4ever and unjaenayoungwaonhee dahil nung sinearch ko ang pangalan ko sa wattpad, natuwa ako na nadun ako sa profile nila saying I'm one of their favorite authors. <3
Meg (Ang ganda talaga niya. Super girl crush ko siya!) --->
CHAPTER 44: HIS WIFE
Meg’s POV
Antok na antok na ako kaya hinayaan na ni LA na matulog ako. Mahimbing ang tulog ko dahil na rin katabi ko siya at nakaunan ako sa kanyang bisig.
Hindi na siya nakapagpatuloy magpaliwanag dahil natakot siyang matakot niya ako. Sabi niya sa ibang araw na lang kapag handa na ako. Sana nga maging handa na ako. Gusto ko nang ipagpatuloy ang relasyon namin ng walang halong sikreto.
“This is so cool, LA!” Ang laki ng ngiti niya sa akin dahil alam niyang nag-eenjoy ako ngayon dito habang nagprapractice siya sa drag racing. May laban kasi siya ngayon. May ka-one-on-one siya at nagulat ako nang dumating ang kalaban.
“Nico!” Inilabas ko ang upper body ko at kumaway kay Nico na kakababa lang sa kotse niya. Nagulat siya na nadoon ako pero kinawayan niya pa rin ako ng may nag-aalinlangang ngiti.
Kakaway sana ako pabalik nang bigla na lang akong hilahin pabalik ni LA at saka biglang hininto ang kotse kaya napabalikwas ako sa upuan. “What the fxck, Meeraya?!”
Sinimangutan ko siya. “What’s your problem?!” Anong pinuputok ng butsi niyan at galit na galit sa akin ngayon? Nagseselos ba siya na natutuwa akong makita ang pinsan niyang si Nico? Pero pinsan niya iyon!
“Bakit mo inilabas ang ulo mo dun?! Paano kung napahamak ka?! Damn it, Meeraya!” Napasabunot siya ng buhok at mabilis ang paghinga. Nahiya naman ako sa naisip kong baka pinagseselosan niya si Nico gayung kapakanan ko lang pala ang iniisip niya.
Hindi rin naman nagtagal ay nag-umpisa na ang laban. Hindi ako pinapansin ni LA. Bwisit pa rin sa akin. Pumunta na siya sa sasakyan niyang nakaparada na sa tapat ng starting line. Napanguso ako. Ni hindi man lang siya humingi ng goodluck kiss sa akin! Buti pa iyong pinsan niya napansin ako pero siya hindi. Nakakainis tuloy.
Mas lalo lang ako nainis nang pagkapasok na pagkapasok ni LA sa kotse niya ay nilapitan agad siya nung babaeng magstastart ng race. Siya kasi yung magwawagayway ng flag pag umpisa ng laban. Nakakabwisit kasi sumandal pa yung babae sa hood ng kotse ni LA at ipinapakita pa ata ang hita niya na hindi nacocover ng napakaliit niyang shorts na pwede ng pumasa as panty.
Nanggigigil ako pero hinayaan ko lang. Hindi ako bababa sa race track para lang awayin yung babae. Pero kapag nakipaglandian si LA doon, aalis talaga ako sa lugar na to. Bahala siya sa buhay niya. Pero mabuti na lang ay mukhang hindi pinatos ni LA yung babae dahil lumayo siya kay LA nang nakabusangot ang mukha. Napangisi ako ng malaki. That’s my man.
Nag-umpisa na ang laban pagkaalis nung lintad na babae sa sasakyan ni LA.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy's Bride
Romance[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to anyone. She hides her true self to protect her reputation. Their paths would never cross -- until one...