Dedicated to my baby Lea. Thanks sa support!
Sorry at maling update ang na-upload ko last time. Draft kasi iyon. May blank pa. Anyways, ayos na naman siya at na-edit ko na.
Enjoy this chapter! :*
CHAPTER 41: FAILED ATTEMPT
Meg’s POV
Nakakakiliti ang padampi-damping mga halik ni LA sa akin. Pero kahit anong gawin niya, inaantok pa rin ako. Di ko na nga maimulat ang mga mata ko sa kaantukan. It’s 2:30 am and we are back inside LA’s room. Kakatapos lang ng party na originally para sa kambal at naging celebration sa official engagement nila Shy and Aries. Naisama rin sa pinagdiwang ang pagbabalikan namin ni LA.
Nakakahiya! To think na alam pala ng buong angkan ng Bellisario na “magkaaway” kami for a whole year!
Dahil naalala ko yan, nawala ang antok ko at hinampas ko si LA na pilit akong ginigising ngayon. Nakahiga ako at nakadapa naman siya kaya kalahati ng katawan niya ay nakapaibabaw saakin. Lampshade na lang ang tanging ilaw kaya ang roma-romantic namin tignan ngayon.
“Hoy, ikaw! May kasalanan ka.” Hinampas ko ulit siya sa dibdib. “Bakit ka nagsinungaling sa kanilang lahat tungkol satin?”
Kumunot ang noo niya. “Nagsinungaling? Ako? Kelan?”
Pumikit ako at humugot ng isang napakalalim na hininga. Sinubukan kong magtimpi sa kanya. Nakakaloka kasi. Nagmamaang-maangan pa!
Pagdilat ko, mukha niyang nakangisi ang tumambad sa akin.
“I like it when you’re mad at me. Turns me on.” Tumaas ang balahibo ko sa batok dahil sa husky niyang boses.
Wala akong nagawa kundi ang mapalunok ng laway. Tinawanan naman niya ako at sumiksik pa siya sa leeg ko habang tumatawa.
Para tuloy akong nahypnotize. Alam kong napakagwapo nitong lalaking to. Pero, habang tumatawa siya, mas lalong nadedepina ang kagwapuhan niya.
Nang huminahon na siya sa kakatawa sa pagmumukha ko, iniangat niyang muli ang kanyang mukha at tinitigan ako sa mga mata.
“Hindi naman ako nagsinungaling, Meeraya. Sinabi ko lang kung ano ang pinaniniwalaan ko.”
Nanlaki ang mga mata ko. “I-Ibig sabihin, yung buong taong magkahiwalay tayo, isang away lang yun sayo?”
“Of course. Gaano man katindi ang away natin noon, isa lang na away pa rin iyon. Kasi hindi ako papayag na tuluyan tayong magkahiwalay. That’s why I told everybody that you were on vacation. What shit you girls call that? A..A cooling off? Yeah, a cool off! Iyon ang sinabi ko sa kanila. Cool off tayo.”
Napangiti naman ako bigla sa “cool off” niya. “At kanino mo naman nalaman yan?”
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy's Bride
Romance[For 16+] He's one of the notorious Bellisario bad boys. She's the famous Villabela's perfect daughter. He is what he is and doesn't give a fxck to anyone. She hides her true self to protect her reputation. Their paths would never cross -- until one...