35: HOLDING ON

24.7K 350 51
                                    

Galit na ba kayo sakin?? :( Sorry, ang tagal talaga. Paiba-iba kasi day off ko kaya di na ako nakakapag-update regularly at syempre, puro paghahabol ng tulog ang ginagawa ko pag off ko. Sorry ulit pero sana makabawi ako sa chapter na to.

Last chapter for MBBB Part 1. ENJOY!


(Pagpasensyahan niyo na rin pala yung spacing. Hindi kasi sa MS Word ako nagtype kaya ganyan. Wala na rin akong time para i-edit pa. Bear with me na lang, please. Thanks! :*)

Play the music (video) pag nakita niyo na yung lyrics, okay?

CHAPTER 35: HOLDING ON

Meg's POV

Napabalikwas ako at napaayos ng upo sa driver's seat ng aking sasakyan nang marinig ko ang malakas at sunod-sunod na pagtapik ng isang manong sa bintana ko.

“Hija! Hija, gising!! Hija!! Ayos ka lang ba, ha??!” Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni manong. Baka ito yung nagmamaneho ng truck.

Truck?! Truck! Shemay! Bigla kong naalala yung dahilan kung bakit ako napatigil. Shit lang! Muntik na akong maaksidente!

Ngayon ko lang naramdaman yung takot at kaba sa kung anong maaaring kahinatnan ko. Napaub-ob ako sa manibela. Hindi ko na napigilan ang mabilis na pagdaloy ng aking mga luha. Umiiyak ako dahil natakot akong mamatay. Umiiyak ako kasi naalala ko yung mga nakita ko nang pumikit ako. At natatakot akong baka totoo yung mga nakita ko. Natatakot akong ganun nga ang tunay na ako- ang tunay na Meeraya na matagal ko ng pilit itinatago.

Mas lumakas pa ang kalabog sa bintana ko. “Hija! Hija!!! May masakit ba sa iyo?! Hija, buksan mo yung pinto! Dadalhin kita sa ospital!”

Iniangat ko ang aking ulo at binuksan ang pinto. Inilingan ko ang matandang lalaking halatang nag-aalala para sa akin.

“Huwag na ho, manong. Di naman po ako nasaktan. A-Ano lang po, n-nagulat lang ako.”

Ilang pakiusap pa at napapayag ko rin si manong na hayaan na lang ako. Matapos nun ay nakapag-ayos na rin ako ng sarili. Hindi na bakas sa aking mukha na umiyak ako.

Wala iyon, pilit kong sinasabi sa aking sarili, malamang umatake lang ang nakapakalawak at napaka-vivid kong imagination.

Iyan na lang ang tangi kong pinanghawakan habang nagmamaneho patungong condo. Samu't saring emosyon na ang nararamdaman ko. Pero may isa pa ring nangingibabaw. Takot.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon