31: FRIENDLY DATE

27.2K 305 37
                                    

Dedicated to Leighnie! :) Hello, hello! :D

Kawawang ako. Wala akong ka-Valentine. Kaya siguro pinapahirapan ko ng husto si Meg. Bwahahahaha! Dahil ang haba ng hair niya at siya na ang malupit, ganun ang last update. Wah, chos!

Nawa ay mag-enjoy pa rin kayo dito.

Picture --->

CHAPTER 31: FRIENDLY DATE

Meg’s POV

Mabuti na lang at cheerleader ako dahil after ng show-off ay hindi na kami required umattend ng classes. Excused na kami since ilang araw din kaming naghirap para sa practice at ngayong tapos na ang show-off, pahinga kami for the rest of the day.

Pero hindi ko magawang magpahinga sa nakita ko. Gusto ko sanang alamin kung ano yung hitsura ni LA kanina nung mukhang tukong nakakapit si impokpokritang bruhilda sa kanya.

Alam ko na rin ang nangyari kanina sa kanila. Syempre, agad napost sa Elite Manifesto yun eh! Tss. Mga tao pa ba dito magpapahuling chumismis?? Yun na ang hottest topic sa FB! And guess what? Nagdiriwang ang lahat dahil ang asawa ko at ang kabit niya ay “nagkakamabutihan” na daw.

Shemay lang! Ang sarap magpost doon ng wedding picture namin!! Pero sa di malamang dahilan, hindi ko magawa. Kung tutuusin madali lang ipakita ang MGA pruweba na ako ang legal na asawa ni LA. Na akin si LA. Pero hindi ko magawa.

Siguro naroon na yung takot sa akin na kapag isinuwalat ko iyon, isipin ni LA na pinangungunahan ko siya. Naisip ko tuloy, sikat na sikat ang mga Bellisario pero bakit wala pang kumakalat na balita tungkol sa kasal namin ni LA? Nakakapagtaka kasi na walang issue o kahit rumor lang na lumabas eh. Ilang buwan na rin naman kaming kasal na!

“ARAY! LESHE KANG BAKLITA KA!!” Napahiyaw ako nang bigla na lang akong piningot ng napakasakit sa tenga nung baklang-lalaki na si Avan.

“Wow teh! Maka-baklita ka! Nakalimutan ko bey? Tss.” Inirapan niya ako at saka higop sa kanyang brewed coffee.

Wala pa kasing eight am kaya nagpasya si Avan na sa isang coffee shop sa mall malapit dito kami pumunta.

“Alam mo namang kanina pa ako dada ng dada tapos nakatulala ka lang diyan? Thank you, friend ha! Maraming thanks sa pag-listen sakin! Kainis!” Mukhang nainis nga si teh dahil sunod-sunod ang higop niya sa kape niya na alam kong mainit talaga at matapos nun ay napasabunot na siya ng buhok niyang inistyle niya na parang si San Goku.

Nagstay kami sa coffee shop at nagpakapurga sa kape hanggang sa magbukas na yung mall. Buti dito niya ako dinala dahil umayaw ako sa plano niyang dalhin ako sa mga Bellisario. Ayaw ko munang makakita ng kahit sinong konektado sa kanya. Masyado pang sariwa yung sakit na dinulot ng nakita ko.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon