49: SECOND CHANCE

17.8K 322 23
                                    

Thank you for the inspiration, Insan. Bantayan mo kami diyan sa heaven. This is for you.



Last update is dedicted to febie023. Hello kina @ShawneeDale, @smashinglife, and @DanaMaeDelaVega na super nagpatuwa sa akin because of their comments!

Advice: Read my note at the end. :">

CHAPTER 49: SECOND CHANCE

Meg’s POV

It has been seven months since I walked out of LA Bellisario’s life. Truthfully, noong una, para akong si Meg Villabela na pumunta sa US noon. Mahirap ang mabuhay nang wala si LA sa buhay ko. It’s like asking me to live when they took away the air that I should breathe in order to live.

I was that sappy. Pero ilang weeks din ay nakaget over ako sa kabaliwan ko. Natutunan ko kasi na hindi ko naman dapat kalimutin ang mga alaala namin ni LA. Mas mahihirapan lang akong ipagpatuloy ang buhay kung ganoon. Yes, we are no longer together, but I still have a life to live. And I have to live for him.

Hindi ko kinakalimutan si LA. My family is a different story, though. Kung umasta sila, parang walang LA Bellisario na dumaan sa mga buhay namin. Hindi ko na lang sila sinisita kasi baka mag-away na naman kaming lahat. Gusto ko na lang ng payapang buhay. Para kasing puro kadramahan na lang ang nangyari sa’kin eh.

Marami din ang nangyari kaya nadistract ako sa pag-iisip kay LA. Nadoon ang mixed volleyball competition. Sa mga drama na nangyari sa akin noon, hindi ako masyadong nakapagtuo ng pansin sa sports na ito kahit na ako ang captain ball. Pero sa tulong na rin ng aking mga teammate, nakapasok kami sa finals. Kaya nung naghiwalay kami ni LA, dinistract ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagpractice ng pagpractice. In fairness, nag-pay off din naman ‘yung ginawa ko. Kami ang nag-uwi ng championship.

Mayroon din iyong pag-alis ni Aleyna papuntang Europe kaya sobra kong lungkot sa pag-alis niya at hindi ko na naalala na malungkot din pala ako dahil doon nga sa amin ni LA.

Mayroon ding mga school stuff na dapat kong pagtuan talaga ng pansin dahil nga graduating student na ako. Kaya overall, masyado akong busy kaya hindi ko na masyadong naaalala ang mga bagay-bagay sa amin ni LA.

Kung tutuusin, kaya ko naman siya iniwan ulit ay dahil hindi maganda sa relasyon namin ang pekeng pundasyon nito. The love is real but the marriage is not. Masakit man, kinailangan ko talaga umalis para magpahilom ng mga sugat. Hindi lang puso ko ang nasugatan. Pati na rin ang aking pride at ego. Ang kapal kong magreyna-reynahan dahil lang ako ang asawa ni LA pero peke naman pala. Para lang akong nakikipaglaro ng trip to Jerusalem. Ang yabang ko kasi hindi ako tanggal kasi nakaupo ako sa isang upuan tas malalaman ko na lang na iyong upuan pala na inuupuan ko ay hindi naman kasali. Nakakahiya lang. Napahiya lang ako. Nasaktan na nga ako, napahiya pa ako.

Eh ano na lang ang gagawin kung ganoon?

Edi ang umalis at hayaang maging maayos ulit ang sarili bago ka makipaglaro ulit. Sa ganoong paraan, babalik ka ng may dignidad kahit na napahiya ka at nasaktan ka na. Sa pagbalik mo, sigurado ka na na magwawagi ka kasi hindi ka na papayag na masaktan at mapahiya ulit.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon