18: HOW TO DEAL WITH YOUR WIFE 101

50.1K 482 50
                                    

Dedicated to her. Masugid na reader ng MBBB!! Super active and laging nagcocomment. I think nakausap ko pa siya nung nag-message siya sakin. Thanks, girl!

Bagal ba ng update? Mianhe. -.- Finals namin and for the first time sa tanang buhay ko, wala kaming net. Huhu. WALANG INTERNET. As in wala. Ayan, matagal tuloy.

Nawa'y mag-enjoy kayo sa update na to! Haha! Oh, nadiyan si Austin para i-assure kayo!

Enjoy!

(Mishaila and Meg --->)

CHAPTER 18: HOW TO DEAL WITH YOUR WIFE 101

Meg’s POV

Parang baliw yung mga kasama ko! Hehehe! Mga nagtanggalan ng paying and nagpaulan!

“Come on, Meg! Get soaked! Hayaan mo na yang si Aleyna.” Sigaw ni Jude.

“Ay, true yan!” Hirit naman ni Caysa. “Ano nga sabi mo kanina, Nana? Immature kami? Hahahahaha!”

Napatawa tuloy ako ng malakas kaya tiningnan ako ng masama ni bestfriend. Hehehe!

“Sige, fine, pagtulungan niyo pa ako! Hoy girls, wag kayong ngangawa pag nagsisi kayong hindi kaya nasa best appearance niyo ah.” She announces then a smirk takes its place on her face.

“Hoy, teh. Ano yang pinagsasabi mo? Ano bang meron?” Tanong ko sa kanya. Yung medyo kaming dalawa lang makakarinig.

Siniko naman niya ako. “Aray teh ha! Bayolente mo!”

Bumulong din siya. “Ay, basta. Wag kang gagaya sa mga yan, bruha. You need to look your best. Teka nga, ayusin natin yang make up mo. Teka,” Tas naghalungkat siya sa pouch niya sa bag at may inilabas siyang compact powder. “Teh, mag-powder ka muna. Dali, para di ka mukhang haggard.”

“Powder eh umuulan??”

“Basta, maniwala ka na lang sakin! Ako kaya bff mo! Dapat magtiwala ka sakin!”

“Eh bakit ba iniinsist mo na magpaganda ako? Ano bang meron???”

“Basta, teh! Wag nang madaming kuda!”

Hay. No choice. Mahirap na pag nagtampo pa tong si Aleyna. Nagpowder na ako pero di ko talagang di maiwasang di mapatingin dun sa mga nagmamataya-taya na mga kasamahan namin.

“Eh, A, di ka ba naiinggit sa mga yun? Tignan mo oh! Ang saya nila! Naglalaro pa sila. Sali tayo, teh!” Sabi ko. Nagpout pa nga ako para mukhang kawawa.

“Ay teh! Kung nandito si baklang Avan, nasabihan ka na niyan ng kung ano dahil sa pout mo! Ay bahala ka na nga, basta ako, di ako magpapabasa. Tsk. Have fun!”

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon