19: A SNEAK PEAK INTO THE LIFE OF THE BELLISARIO CLAN

52.3K 513 74
                                    

Dedicated to SilentBitch04 dahil sa comment niya sa Chapter 17. Siya yung first na nakaisip dun sa tanong ko. <3

I repeat, wala po kaming net dito sa bahay kaya matagal ang update. -.-

Nawa ay magustuhan niyo ang update na ito kasi this is one my personal favorite chapters!

ENJOOOOOY! Dahil matagal ang update ko noon, kaya i decided na habaan ang chapter na ito at wag ng putulin. Sana ma-appreciate niyo yung effort ko.

 PS: BASAHIN NIYO YUNG A/N SA BABA! Please. Please. Please. Thanks. <3

 (click external link for a bonus story)

(pictures of the Bellisario bad boys --->)

CHAPTER 19: A SNEAK PEAK INTO THE LIFE OF THE BELLISARIO CLAN

Ace’s POV

Patay.

Ang tahimik ni Pangs ah. Simula pa to nung dumating si Mishaila. Tsk! Mali atang desisyon kong dito dalhin tong dalawa.

Hyper kasi tong si Mishaila eh. Wala pang filter ang bibig! Tsk. Aisssh! Napapahamak kami dito eh. Alam mo yung gustong-gusto mo ng i-explain lahat ng pinagsasabi ni Mishaila kaso ayun, lagi kang interrupted?! Fxck lang, men!

Pamatay pang makatingin tong si Aleyna. Kulang na lang talaga rocking chair at mukha na siyang The Conjuring. Kitang-kita na gustong-gusto niya ng pumatay.

Matapang. Walang kinakatakutan. Lagi yang nakadikit kasunod ng apelyido namin. Pero pakshet lang, nakakatakot tumingin tong babaeng amazonang to! Parang isang maling galaw ko lang, tapos agad buhay ko!

Nandito na kami sa loob ng bahay ni Mishaila, nagpapatuyo na. Si Austin nakaupo sa tabi ni Meg at pinapatuyo niya yung buhok nito gamit yung towel. Kung di lang siguro ako natatakot sa kung anong pwedeng gawin nito ni Aleyna, baka tumawa na ako sa mukha ni Austin! Kita mo tong lalaking to, pakunwaring cool pa eh halata namang takot sa asawa! Eh under pala to eh!

Pssh. Whipped. My cousin’s whipped. Big time.

Eh kami ni Pangs?

Ayun, one sofa apart. Literally. Walang nakaupo dun sa isang mahabang upuan na nakagitna sa mga inuupuan namin. At ang matindi pa. Walang imik si Aleyna. Ang nag-iisang madaldal na amazonang kilala ko. Pero ang mata, pamatay!

Pero siguro okay naman na muna to. Para di naman masyadong nakakahiya sa ibang tao dito kung i-massacre na ako Aleyna. At least pag kami lang, di makikita ng iba. Iba ring klaseng babae to eh.

At akala ba niya nakakatuwa na ako ang nagbuhat ng napakabigat niyang bag papunta dito?!

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon