46: THE REAL LA BELLISARIO

15.8K 304 14
                                    

Dedicated to her. <3 

Please read my A/N. It's about Ryder's story. ENJOY READING!! <3

CHAPTER 46: THE REAL LA BELLISARIO

Meg’s POV

Pilit kong itinatakip ang long sleeves na coat ko hanggang sa mga daliri ko dahil giniginaw talaga ako. I wake up feeling cold kahit na yakap-yakap ko na ang sarili ko. Una kong minulat ang kanan kong mata habang nakapikit ng mariin ang kabila.

Napadilat ang kabila kong mata at napaupo ako bigla mula sa pagkakahiga ko sa passenger seat na naka-adjust para komportable akong makahiga.

Shit! Nasaan ako?! Kinakabahan ako at disoriented pa ang utak ko. Paglingon ko sa lalaking nasa driver’s seat ay napalunok ako.

Nakababa kasi ang bubong ng convertible na sinasakyan namin ngayon at nagmamaneho si LA. Tiningnan niya ako nang may nag-aalinlangang mukha.

“Baby, I… Wait, don’t panic, okay? Gusto ko lang mag-explain kaya kita nilayo.” Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at hindi ako tinitignan.

Sa sinabi niya, bumalik lahat sa akin mga nangyari kanina. Dahil nandito siya ngayon at kasama ko, I think hindi ata ilusyon ang mga nakita ko nung nagkapanic attack ako. Nanigas ata ang buong sistema ko. Ibig sabihin, totoo lahat iyon.

Here I was, hoping everything was just a big nightmare.

Pero ang totoo pala, I was really just living a big fat lie. Unti-unting nag-uunahan ang mga luha ko sa paglabas pero tinama ko ang pagkaka-adjust sa upuan at saka tumingin sa labas. Hindi ko ipapakita sa kanyang umiiyak na naman ako. Ilang beses na nga ba akong umiyak sa relasyong ito? Tapos, ano? Hindi pa totoo!

Bakit ba lagi na lang ganito ang nangyayari sa akin? Sa tuwing masaya na ang buhay ko, lagi na lang may babasag ng kasayahang mayroon ako. Parang ang malas malas ko naman ata.

“Ganito ba talaga mahalin ang isang LA Bellisario?” Tanong ko iyon sa aking sarili pero mukhang nasabi ko out loud. Malakas ang ihip ng hangin kaya hindi ko alam kung narinig niya ba iyon at piniling wag sagutin o talagang hindi niya narinig.

Nanatili kaming walang walang imikan. Nagmamaneho siya habang tahimik akong umiiyak. Narealize kong ang dami ko palang pinagdaanan habang kami ni LA pero anong silbi ng mga iyon kung hindi naman pala totoo ang kung anong meron kami.

Ang kapal ng mukha kong mang-away ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya pero isa rin pala ako sa kanila. Tulad nila, hindi ko pag-aari si LA. Ang masakit pa nito, mahigit isang taon akong naniwala sa lintek na kasinungalingang iyan. Lagpas isang taon akong humawak sa idea na akin siya.

Pinaikot nila ako. Pinaikot ako nina LA at Nina.

All this time, nagmamataas ako pero wala naman pala akong pwedeng maipagmalaki. Hindi ako tanga, mangmang o bobo. Kung mayroon pang salitang mas higit pa sa mga ito, iyon na siguro ako.

Mr. Bad Boy's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon