"Janna, nadala mo 'yung notebook na pinapadala ko?"
"Halah sorry nakalimutan ko."
"Halah naman!"
"Sorry talaga. Nawala sa isip ko."
"Hayaan mo na Trish, buti nga s'ya notebook lang ang nakakalimutan e, samantalang yung iba d'yan, nakalimutan na atang may girlfriend s'ya kung makipaglandian sa iba." Sabi ni Mika. Saktong napadaan kasi kaming apat sa pwesto ng boyfriend n'ya at ng isang babae na kaklase ata ni James. Bale nasa labas kami ng room, papunta sana sa canteen. Nakita namin ang boyfriend n'ya na uber naman sa harot! Akala siguro n'ya hindi s'ya makikita ni Mika. Sabagay, magkaibang section kasi kaya akala n'ya hindi s'ya mahuhuli. Tsk tsk!
"Pinaparinggan mo ba 'ko?" Maangas na sabi ni James kay Mika.
"Oh? Ikaw ba 'yung natamaan sa sinabi kong nakikipaglandian sa iba? Well kung ikaw nga yung nakikipaglandian sa iba, edi siguro ikaw nga ang boyfriend ko? Pero ngayon hindi na. Break na tayo!"
Sabay walk out ni Mika.
*Tugsh!*
"Ang gago mo James."
"Tara na Cindy, hayaan mo na yan! Sundan na natin si Mika."
"Kulang pa 'yang suntok na 'yan. Tsk!" Naglakad na kami paalis.
"Babe, sino ba 'yung babae kanina?"
"Ah wala!"
Agad akong bumalik nang marinig ko ang isinagot ni James.
Sinuntok ko ulit s'ya.
"Yan! Ang galing noh? Sasabihin wala, kunware hindi kakilala? Ang galing mo din e! Sa sobrang galing mo ang sarap mo pang suntukin ng isa! Tsk!"
"Tara na Cindy."
Hinigit na nila ako paalis dun. Nako! Ang sarap gawing punching bag ng fes ni James. Ang kapal kasi!
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Random#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...
