Hugot 57

324 23 0
                                    

Papunta na kaming school nila Sara, Kristel, Kim, at Angelika. Well kaya kami magkakasabay kasi sa'min sila nakitulog. Alam n'yo naman ang mga bruha, gusto lagi sa bahay kasi nagmomovie marathon kami.

Nung may dumaang jeep, sumakay na kaagad kami. Mahirap na baka magkaubusan pa ng jeep, lalo na kaming na late.

"Ilan tayo, one, two, three, four, five." Tinuro ko sila isa isa.

"Bayad nga po isa, estudyante, sa LCPC lang po."

"Wow. Akala ko ibabayad tayo oh. Wow!" Sabi ni Sara'ng luka!

"Paasa s'ya oh. Akala ko talaga ibabayad tayo kaya tayo binilang. Huhu!" Natawa na lang ako sa mga kadramahan nila.

Wala na rin silang nagawa kundi ang magbayad ng kanya kanya. Waahahaha! KKB.

"Para po." Sabi ng isang lalaki.

Kaya ayun, itinabi nung driver yung jeep sa tabi ng kalsada para makababa si Kuya'ng pumara.

"Ayy manong, hindi pa pala dito." Sabi nung kuya tapos parang nahiya kasi nagkamot s'ya ng batok n'ya. Ganyan din si Xian pag nahihiya, kinakamot ang batok. Ano yun, kapag nahiya sila automatic na nangangati ang batok?

Ayun umandar ulit ang jeep.

"Woah, pinaasa n'ya si manong driver oh. Sabi bababa na daw, hindi pa pala. Dami talagang paasa." Bulong sakin ni Sara

Siniko ko na lang s'ya kasi baka marinig s'ya ni kuya'ng pumara.

"Karamihan talaga sa mga gwapo paasa." kinurot ko naman sa braso si Kristel, pero mahina lang.

Nakakahiya, mamaya marinig sila eh.

Ayun, miya miya, bumaba na rin si kuya'ng gwapong paasa.

Tapos miya miya, tumigil na naman yung jeep sa gilid.

May pumara kasing mga babae, siguro nasa lima.

"Ayy beh, wag na lang d'yan. Masikip." Sabi nung isang babae na dapat ay sasakay.

"Oo nga." Sabi pa nung isa. Tapos ayun nagpunta na ulit dun sa pwesto nila kanina.

"Tsss. Ang aarte." Sabi ni Kim

"Tsss. Kaya nga." Sabi naman ni Angelika.

"Alam n'yo ang tawag sa kanila?" Tanong ko.

"Ano naman?" Tanong naman nila.

"PAASAhero. Mga paasa. Sabi sasakay daw, hindi naman pala. Tara na nga! Manong para ho!"

Ayun, bumaba na kami. At pandalas na sa pagtakbo sa building namin.

Lagot kami pag na late pa. Huhu

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon