Statistics.
Statistics.
Statistics.
Bwiset na statistics yan!
"Xian, bakit ako mali?"
"Yung interval mo ata? Ano bang interval mo?"
"4"
"Eh mali nga, 5 ang tamang interval e."
"Ay ganun? Anlaaah! Edi mali na ako lahat. Zero na ako dun. Huhuhu."
"Ikaw e, bakit kasi hindi ka nagtanong sa'kin?"
Nakakainis! Sayang ang score dito sa quiz.
"Sir, wala bang points kahit yung effort lang? Effort sa pagsasagot kahit mali? Haha. Sige na sir."
Bigla namang napatawa si Sir.
"Wala. Pero sa isang relationship, isa yan sa ini-scoran. Effort. Saka kasi Cindy, mali na kasi sa simula pa lang. Kaya bakit mo pa ii-scoran kung mali naman na talaga from the very start? Saka, para matuto ka na. Learn from your mistakes kumbaga."
"Amen." Yan na lang ang nasabi ko. Si sir naman, ngumiti lang. Psh.
![](https://img.wattpad.com/cover/47015273-288-k295573.jpg)
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Random#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...