Buhay Kolehiyo, alam nating 'di biro 'yan.
Pero sa section namin, kahit na medyo mahirap dahil sa mga nakakalugaw sa utak na mga subjects, nakukuha pa rin naming magbiro at higit sa lahat ang mag bitaw ng mga hugot lines... Oh diba, Bongga!
Second year na ako, at 'buti nalang nasa block section pa rin kami ng mga dati ko'ng kaklase. Ngayon kasi wala pa kaming kinukuhang major kaya ayun, magkakasama pa rin kami. Sa second sem pa kami mag-kaka-major. 'Nga pala, ako si Cindy Rodriguez, business administration student.
"Hoy magsi-upo nga muna kayo may i-a-announce ako! Hoy Rodriguez bumalik ka muna sa upuan mo!" Hayyy ayan na naman si chairman. Sigaw na naman!
"Oo na, eto na nga oh!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Medyo tumahimik na kami at lahat kami e nasa kanya kanya na naming upuan.
"Gusto ko nasa akin muna ang atensyon ng lahat. Mahirap kasi mag-pretend na okay lang ako kahit na ang totoo e nasasaktan ako pag walang nakikinig sa'kin. Na parang hangin lang ako."
"Hugot!" Sigawan na naman. Ayan tuloy ang ingay na naman namin. Tsss. Humugot pa kasi si chairman e ang tahimik na nga namin kanina.
"Makinig na lahat sa'kin. Hoy ano ba tahimik na nga! Para na akong tanga dito oh!"
Halatang naiinis na si chairman
"Buti ka nga tanga lang e, samantalang 'yung ex ko, gago!"
Haha! Nakakatuwa naman si Leah, pinaparinggan n'ya yung ex n'yang si Paolo. Kakagaling lang sa break up e.
Napatingin naman kami kay Paolo, seryoso lang s'ya. Mukhang hindi naapektuhan sa sinabi ni Leah.
Bahala sila!"Okay seryoso na. Tahimik na ulit!"
"Ayan ngayon ka pa magseseryoso? Kung kelan nagulo na ang lahat? Yan kasi ang hirap sa mga tao e, saka lang magseseryoso kung kelan nawala na ang dating kaayusan. Parang sa love, saka lang nagseseryoso ang isang tao kung kelan nagulo na. Tapos gusto pa nila na bumalik sa dati? Ano yun? 'Di ba nila naisip na mahirap bumalik sa dati lalo na at nagawa nyang guluhin yung relasyon?" Sabat ng isa ko pang kaklaseng beki si Queen na sya ngayon. Whaha!
"Aish! Okay tahimik na kasi"
Ang ingay pa rin letse! Tss.
"Ayoko na nga! Tama na!" Sigaw ulit ni chairman.
"Ayaw na? Tama na? Parang ang dali lang para sayo ang sabihin yang mga salitang yan ah! Di mo ba alam na mahirap para sa'min ang marinig ang mga katagang yan. Lalo na sa mga kagagaling pa lang sa break up? Huh!"
Sigaw ni Jenny. Tapos may tumulong luha pa sa mata nya. Haha! Ang drama! Palibhasa kakagaling lang din sa break up e. Hahaha.
"Tuloy mo na chairman."
"Ayan! Saka pa magpapatuloy kung kelan nagkagulo na? Yan kasi ang hirap sa mga tao e, gusto pa nilang magpatuloy pero uulitin pa rin naman nila yung maling nagawa nila?"
"Tahimik na nga lahat!" Sumigaw na ang vice chairman namin. Tumahimik na kami matapos nyang sumigaw.
"Okay, ganito, diba may mga presentation tayo para sa Humanities natin."
"Yan! Tapos magpepretend na parang walang nangyari? Ganun ganun na lang 'yon?" Sabat na naman ng isa kong kaklase.
"Ssshhhhh!" Saway ni vice chairman.
"Mag aasign na lang ako ng kung sino sino ang magpepresent, kasi kung kayo pa ang mamimili at may nakapareho kayo, sayang lang ang gawa nyo kung may matatawag si sir na kapareho ng topic nyo.. Mag aassign din ako ng substitute para incase na magka problema sa presentation ang isa e may hahalili. Okay, ikaw Cuevas, ang topic mo ay about sa Elements of Art, color ang sayo. Ang substitute ay si..."
"Ang tagal pa mamili, dadating na si ma'am Lunar e!"
Sigaw ni Kristine, yung secretary namin.
"Okay chill lang, si ano na lang, hmmm, si Rodriguez na nga lang.
Ano? Ako daw ang sub? Di naman ata tama yon!
"Bakit ako ang sub? Lagi na lang ba akong second option? Lagi na lang ba akong pang number two? Kahit minsan naman sana gawing ako ang priority, sana naman maisip nyo ang mararamdaman ko. Ang sakit kasi parang lagi nalang akong binabalewala e! Ano ako nalang ang pipiliin pag no choice na?"
Napatingin silang lahat sa'kin sabay sabing... HUGOT!!!
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
De Todo#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...