"Oh bakit nakabusangot 'yang isa d'yan?" Tanong ko kay Sara pagpasok ko ng room namin.
Pa'no, si Gretchen umagang umaga parang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura."Ayan, nasira ang cellphone. Harot kasi! Takbo ng takbo kanina sa may gym tapos pagtalon n'ya, nalaglag yung cellphone n'ya sa bulsa n'ya. Hayyy 'di ko na alam gagawin ko sa mga luka luka nating kaibigan."
"Eh kasi naman hinahabol ako ni minion!" Si Angelika 'yung tinutukoy n'ya.
"Wow ha! Nanisi ka pa!" Sagot naman ni minion, este Angelika pala.
"Huhuhu! Susubukan kong ayusin. Baka pwede pa."
"Tsss. Eh sirang sira na oh! Parang utak mo! Bwahahah!" Sabi ni Sara
"Wow. Nagsalita ang hindi sira ang utak!" Sagot naman ni Gretchen
"Minsan, may mga bagay na kapag nasira ginagawan pa natin ng paraan para maayos, pero 'pag talagang hindi na kaya at wala na talagang pag-asang mapabalik pa sa dati, mas mabuting itapon na lang. Kagaya sa relasyon ng dalawang tao, 'pag nasira, oo tama ginagawan ng paraan maayos lang ang relasyon, pero hindi na natin maiaalis sa sarili natin yung fact na may lamat na talaga yung pinagsamahan. Kaya minsan yung iba, imbes na ayusin pa nila, tinatapon na lang nila yung pinagsamahan nila. Bakit? Kasi natatakot na sila na baka 'pag naayos nga, hindi pa rin mawawala yung minsan magloloko na naman."
"Ang haba nun ah! Talagang may pinaghuhugutan e!"
"Tse! D'yan na nga kayo. Punta na 'ko sa upuan ko. Wala pa pala akong assignment sa investment. Babush!"
VOTE.COMMENT.FOLLOWMEEEE! :)
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Random#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...