Hugot 19

980 52 12
                                    

"Kainan na!" Masiglang sabi nila Kim. Nandito nga pala kami sa bahay nila. Wala lang, tatambay muna. Kakatapos lang ng klase namin at dito kami dumeretso sa kanila.

"Uy bigyan mo naman si Sara n'yan." Sabi ko kay Shaina na hawak hawak 'yung bowl ng kanin.

"Ayoko nga! Ang akin ay akin! Bleh" Aba binelatan pa ako!

"K fine. Kanin lang sa'yo ha, wag kang hihingi ng ulam bwiset ka!"

"Hihihi. JOKE!" Joke mo mukha mo! Tsss. Inirapan ko na lang s'ya.

"Uy penge namang kutsara't tinidor!" Aba napaka netong si Angel, ayaw tumayo para kumuha ng kutsara at tinidor n'ya.

"Huy ano ba? Bakit mo ba inaagaw 'to? Hawak ko na e! Ako ang nauna rito." Iritableng saad ni Angie

Ayan na naman 'yang mga 'yan! Jusko away na naman e, hindi na nagsawa.

"Nakita mo na ngang hawak ko na s'ya kukunin mo pa? Ganyan ka ba talaga? Masayang nang aagaw ng pag aari ng iba?" Puno ng emosyong saad ni Angie

Huy pero hindi si Angel 'yung tinutukoy ni Angie ha. Sadyang ganyan lang talaga pag broken hearted, sa iba naibubunton ang hinanakit. Bigla bigla na lang humuhugot.

"I'm sorry."

Nakita kong may pumatak
na luha sa kanang mata ni Angie na agad din naman n'yang pinunasan.

"Oh eto." May iniabot na kutsara si Trisha kay Angel.

"Walang tinidor?"

"Maghintay ka ha, Angel. Naku! Kanina pa ako nasusura sa mga awayan n'yo ha! Hintay lang. Hinuhugasan pa namin ni Cindy 'yung iba."

"Oh eto na." Inabutan ko ng tinidor si Angel. "Maghintay lang kasi may darating naman. Ang kutsara ginawa na may ka-partner na tinidor. Alam n'yo, tayong mga tao, para ring kutsara at tinidor. Tayong mga babae ang kutsara at ang mga lalaki naman ang tinidor. Lahat tayo may makaka partner sa buhay. Ang gawin lang natin, maghintay ng darating para sa atin, oh pwede rin namang hanapin natin. Pero hindi natin kailangang mang agaw. Tapos isipin n'yo na lang na kumakain kayo na kutsara lang ang gamit, di'ba mahirap kung walang tinidor. Kaya hangga't kaya natin di'ba tinitiis natin. Well ang point ko lang naman e, mapa kutsara't tinidor man 'yan o tao, hindi natin kailangang mang agaw para lang magkaroon tayo. Oki?"

'Yan! Napahugot na naman ako. Pero hindi si Angel ang tinutukoy ko ha. Naku kung kaklase lang namin at kasama namin ngayon 'yung nang agaw ng boyfriend netong si Angie, syempre for sure tamang tama na 'yun! Kaya lang hindi namin kaklase e, iba pa ng course. Sayang! Pero okay na din, kasi matatag ang friendship naming magkakaklase. Orayteu!

#AngHugotNiCindy

Hahahaha :D Naisip ko lang 'yan habang nakain ako kagabi. Okay lang ba ang update ko ngayon?

Voteu andeu Commenteu :)

PS. Saranghaeyo! ♥♥♥

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon