Hugot 35

477 30 5
                                    

"Bwiset s'ya! Mamatay na s'yang impakto s'ya! Mula ng dumating s'ya sa buhay ko, nasira na ako! Huhuhu! Minahal ko s'ya tapos sinaktan n'ya lang ako! Uwaaahhh!" Pagmamaktol ni Rina

Kanina pa 'yan! Gusto ko na ngang pasakan ng papel ang bunganga ng magtigil na s'ya sa kakangawa n'ya e. Kaso kawawa naman. Nag eemote pa. Wala akong magawa kundi ang i comfort s'ya.

"Cindy, paayos naman ng memory card ko. Na virusan kasi e."

"Wow! Kita mo ng nag eemote pa yung isa at kino comfort ko pa tapos babanatan mo ko ng paayos ng memory card? Letse lang Sara!"

"Waaah! Cindy! Akala ko talaga mahal n'ya ko! Ginamit lang pala n'ya ako para pagselosin yung ex n'ya! Huhuhu!"

"Ikaw naman kasi e, isipin mo na lang na memory card ka at virus ang mga 'yang si Lester. Oo nga at nakapasok s'ya sa buhay mo, pero Rina may magagawa ka pa naman e. Tanggalin mo s'ya, i-delete mo kumbaga. Wag mo hayaan na dahil lang sa kanya e tuluyan kang masira. Wag mo gawing miserable ang buhay mo, dapat nga at matuwa ka pa 'pag natanggal mo na s'ya sa buhay mo e. Kasi Rina, virus s'ya! Tandaan mo yan. Virus!"

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon