Hugot 54

342 28 3
                                    

"Guys may ikekwento ako."

Sabi ko kila Sara. Wala kaming teacher ngayon, meeting kasi.

"Eh? Ano ano?"

Inilapit nila ang kanilang mga upuan at pumalibot sa kin. Aba at mga nakahalumbaba pang tumingin sa kin animo'y mga interesado talaga sa ikekwento ko.

"May nabasa akong story, ganito. May mag bestfriend, si boy at girl. Inlove sila sa isa't isa kaya lang pareho silang shunga at manhid dahil hindi nila alam na inlove pala sila sa isa't isa. Ganon."

"Tapos?" Sabi ni Kristel na atat na atat kung anong sunod na mangyayari.

"Tapos isang araw, sinubukan ni boy na umamin kay girl at nalaman nya na pareho pala sila ng nararamdaman. So ayun, niligawan n'ya si girl at naging sobrang saya nila."

"Tapos ano na nangyari?" Sabi ni Kim

"Edi ayun, mahal na mahal nila ang isa't isa, kapag nagkakatampuhan naman sila hindi nila hinahayaang tumagal ang kanilang away."

"Tapos?" Sabi ni Sara

"Hanggang dun lang ang kwento ko."

"Bakit parang bitin? Wala pa sa ending eh." Sabi ni Angelika

"Ganun talaga, nasa masayang part na sila so bakit ko pa tatapusin? Bakit ko pa sasabihin ang ending? Ayoko ng mga ending. Ayokong matapos ang masasaya nilang araw. Ayoko... ayoko silang masaktan dahil sa letseng ending na yun."

"Ang drama talaga nitong si Cindy! Ano ngang ending? Dali na!"

"Oo nga! Grabe to, binitin lang kami e."

Tapos ayun sinapak, sinipa, sinabunutan, sinampal, kinurot nila ako. Huhuhu. Pero dejk. Haha

"Okay sige, isang araw, nagkaroon sila ng matinding away. Nagkasagutan sila, pareho silang nakapagbitiw ng mga masasakit na salita. Tapos, iyak ng iyak yung si girl dahil iniwan s'ya ni boy dahil nga nagkasagutan sila. Tapos si boy, nagpunta sa bar, naglasing. Hindi n'ya alam ang mga nangyayari. Tapos ayun, may babae syang nabuntis. Mahal na mahal nya yung girlfriend slash bestfriend nya pero ayun nga, dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nasira ang kanilang relasyon. Kaya ayun, nalaman ni girl, tapos naghiwalay na lang sila. Kasi gusto ni girl na panagutan nung boyfriend n'ya yung nabuntis na babae."

"Ay ganun? Nakakalungkot naman ang nangyari sa kanilang dalawa."

"Diba nakakalungkot, sinabi ko na sa inyo na wag ko ng sabihin yung ending e. Nasa huli tapaga ang pagsisisi. Pero atleast nalaman natin na hindi lahat ng nagmamahalan, nagkakatuluyan."

-hello?

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon