"Pahiram naman ng phone mo Cindy, tara mag selfie." Sabi ni Sara.
"Ayoko nga, gamit ko e. Saka puno na memory ko."
"Tsss. Damot!"
"Hindi lang napahiram, madamot na kaagad? Oh!" Inabot ko sa kanya ang phone ko.
"Tss. Wag na, labag naman sa kalooban mo e. Ayokong mapapunta sa'kin kung napilitan ka lang naman."
"Okay." Kaya ayun, binawi ko na.
"Hi Cindy!"
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Omg. Si Xian
Agad s'yang naupo sa upuan sa tabi ko.
"Peram cellphone mo."
"Bakit?"
"Tara selfie tayo." Inabot ko sa kanya yung phone ko.
Napatingin naman ako kay Sara na ang sama ng tingin sa'kin.
"Ang daya! Kapag si Xian ang nanghiram, pinapahiram kaagad. Pag ako, sasabihin puno na ang memory."
Ayun na nga, nag walk out na si Sara. Hehehe.
"Tara, selfie na. Smile!" Sabi ni Xian, kaya ako, todo smile naman.
Pagkatapos ng click, tinignan ni Xian yung picture namin.
"Ayyy, bat ang labo? Nagalaw ata?"
"Patingin nga." Tinignan ko naman
"Oo nga noh? Parang ikaw. Malabo. Ang labo mo e noh Xian?"
"What?"
"Sabi ko, ang labo mo."
"Bakit naman?"
"Kasi hindi ko alam kung ano ba talaga ako sayo, kung ano ba talagang meron tayo. Ang labo mo."
"Ano na naman ba yan Cindy, di'ba sabi ko sayo na mahal kita. At diba nililigawan kita. So bakit ako malabo?"
"Xian naman, makisakay ka na lang sa hugot ko. Naman eh!"
"Anlah, sorry na."
"Minsan kasi, matuto kang makiramdam. Psh."
"Uy, sorry na nga oh."
Ang baliw naman kasi. Psh.
![](https://img.wattpad.com/cover/47015273-288-k295573.jpg)
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
De Todo#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...