Hugot 68

331 23 3
                                        

Jusko. Bakit ba kasi lumabas pa sa bibig ko yang word na extend na 'yan eh? Nakakaloka! Kaya ayan ang mga bruha tuwang tuwa.

Kelan ba sila lalayas sa pamamahay ko? Huehue.

"Akin na kasi yan! Kumuha ka ng sayo!"

"Ang damot neto! Para konti lang eh!"

Galing ako sa kwarto ko at ayan ang naabutan kong eksena. Sina Sara at Kim, agawan sa chichirya. Jusko guys, mga pg ba kayo? Huehue.

"Cindy oh ayaw mamigay nung vcut!" Sumbong ni Kim

"Tsk. Pati ba naman yan pinag aagawan nyo? Sabagay, jowa nga pinag aagawan din eh chichirya pa kaya."

Nakita kong bumusangot si Kim. Si Sara naman dumila pa. Pang asar din ang isang to eh.

"Nasaan si Janine?"

"Nasa banyo."

"Bakit hinayaan nyo na namang pumasok dun? Nag iiyak ba? Tara nga tignan natin baka nagpapatiwakal na yung isang yon."

"Ang oa mo Cinds, pag pumasok si Janine sa cr naiyak agad? Papatiwakal kaagad? Di ba pwedeng napupu lang?" Inirapan pa ko ni Sara. Letse ka!

"Oh problema nyo?" Narinig kong tanong ni Janine.

"To kasing si Cindy ang oa. Tsk. Tara nood na nga lang tayong tv."

"Kafalmuks talaga eh noh Sara."

"Maki join ka na lang kasi Cinds, ang miserable ng buhay mo eh porket di lang nagtetext si--"

"Ituloy mo lilipad to sayo." Sabi ko. Hawak ko pa naman yung remote. Hahaha. Nahagip ng kamay ko e. Balak ko sanang ibato kay Sara.

"Hehehe." Nag act pa sya na ini zip ang bibig nya.

Nagsipag pwestuhan na kami sa sofa. Hays. Pasarap buhay sila dito oh.

Tagal naman ng mga commercial eh. Yan ang ayaw ko pag nanonood ng tv, mas mahaba pa oras ng commercial kesa sa mismong palabas. Kasura!

"Pagdating sa mga paborito ko, one is not enough."

"Oo nga eh, paborito mo babae kaya one is not enough." Napatingin kami bigla kay Janine.

"Hoy grabe ka naman kay John Lloyd." Siniko ko naman si Sara kasi alam ko naman kung sino ang tinutukoy ni Janine, si Yohan.

Hanggang sa matapos yung commercial, rant ng rant si Janine. Jusq!

"Kaya ako, hindi pa rin sapat para sa'yo? Ang sakit Yohan!"

"Sinong manok mo? Isa lang ako tatlo."

"Pareho kayo, sa kanya tatlo rin. Kaya nga lang ang kaibahan nyo, sa'yo manok, sa kanya chixx."

Natatawa ako kay Janine eh. Daming kuda!

"Yung isa, original recipe, tapos may hot and crispy at ang nagbabalik na sweet spicy gangnam."

"Tsk, umalis ka na nga babalik ka pa?" Sabi ni Sara. Agaw eksena na naman ang bruha.

"Araw araw may pagbabago."

"Oo. Siguro nga araw araw may bago s'ya. Tsk. Ganyan naman talaga kayo eh. Hay. Dapat talaga masanay na kaming mga babae."

"Janine tama na yan, wag ka ng magdrama please. Mapapaextend na naman kayo n'yan eh."

Nagtawanan naman sila dahil sa sinabi ko. Hays. Mga walang balak magsiuwi ang mga to eh.

-

Bultaoreune, Payeeeeeeer!

Hi fire babies/noonas! ♥♥♥

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon