Tuwang tuwa kaming lahat kasi wala na namang klase. Pinatawag kasi ang mga teachers dahil may urgent meeting daw. Wooooh! Kaya ayan todo selfie na, kantahan, chikahan! Mga gawain ng mga estudyante nga naman.
"Uy spin the bottle tayo!" Suhestiyon ni Sara.
"Game!" Sang ayon nila.
Ako? Tsss. Ayoko ng mga ganyang laro.
"Hoy Cindy, inumin mo na 'yang tubig mo. Magtira ka lang ng konti!" Sigaw ni Sara sa'kin.
"Oh? Bakit?"
"Yan ang gagamitin natin pang spin the bottle."
"Aba't ayos ka din e noh?! Oh!"
Hinagis ko sa kanya 'yung bote.
"Hindi ka ba sasali?" Tanong ni Princess.
"Ayoko. Baka kung ano ano ipagawa n'yo sa'kin."
"Wala ka bang tiwala sa'min?" Pabebeng tanong ni Shaina.
"Wala." Prangkang sagot ko.
"Dapat pala hindi na ako nagtanong, ang sakit lang ng salitang narinig ko. Ugh!" Pa lungkot effect pa ang bruha.
"Yan kasi, wag ka ng magtatanong. Iba kasi ang inaasahan mong sagot e. Tapos 'pag sinagot ka ng totoo na hindi naman 'yon ang inaasahan mo masasaktan ka! Tsss." Sabi naman ni Gretchen.
Bigla namang napatawa ng pilit si Shaina.
"Oh 'bat ka natawa?" Tanong ni Kristel
"Idadaan ko na lang sa tawa kahit sobrang sakit na. Kapag nalaman mo ang totoo pero hindi naman 'yon ang gusto mo diba masakit? Kaya pipilitin ko na lang maging masaya, kahit ang sakit na talaga sa kalooban."
"Ang arte para binibiro lang e." Sabi ko sa kanya.
"Yan magpapanggap ka na nagbibiro ka lang kahit ang totoo hindi naman talaga biro 'yon. Para ano? Para hindi ako masaktan? No no no! Alam ko na ang totoo. And tama nga sila, the truth hurts."
Ang arte ng bruhang 'to! Haha
![](https://img.wattpad.com/cover/47015273-288-k295573.jpg)
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
De Todo#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...