Sleep over na naman dito sa bahay ang mga impakta kong kaibigan. Charot!
Nasa banyo na ako ng kwarto ko, at maliligo muna ako bago matulog.
"Sara paabot naman nung shampoo ko dyan sa may cabinet."
Sigaw ko Kay Sara kahit na nasa loob ako ng banyo. Rinig naman kasi sa labas ang boses ko.
"Uy Sara!"
Sigaw ko pa ulit pero wala pa rin akong naririnig na yabag ng paa palapit dito sa banyo.
Sinilip ko sila, aba at ang mga impakta, kumpulan sa kama ko at sige sa pagkalkal sa laptop ko.
"Eto ba yung BTS? Dito nababaliw si Cindy?" Sabi ni Kristel.
"Oo. Jusko! Sa inaraw araw kong makikita si Cindy, laging cellphone ang hawak at sige sa pagsspazz sa BTS. Akala ko cellphone lang nya ang may BTS, pati rin pala laptop ng bruha." Sabi naman ni Sara.
"Hoy mga bruha! Paabot ng shampoo!" Sigaw ko pero hindi pa rin sil natitinag. Parang di nila ako naririnig kahit na ang lakas lakas na ng boses ko.
"Anong spazz?"
"Yun yung tawag nya pag nanonood ng videos, natingin ng mga pictures. Basta, parang lahat inaalam nya about sa mga kpop na yan."
"Ang hirap talaga pag walang gustong makinig sa'yo, yung tipong kahit sobrang lakas na ng pagsigaw mo wala pa rin silang naririnig. Wala silang pakealam. Sobrang sakit pala." Bulong ko sa sarili ko
"Uy nahugot oh!"
"Mga walangya kayo! Yung bulong ko narinig nyo pero yung sigaw ko kanina hindi??"
"Hehehe. Ito na oh."
Lumapit sakin si Sara at inabot na sakin ang shampoo na kaninang kanina ko pa hinihintay. Nakakainis talagang maghintay. Nakakapagod, ang sakit sa puso.
"Repair damaged hair from inside and out." May nabasa akong nakasulat dun sa bote ng shampoo.
"Sana meron ding pang repair sa damaged kong puso." Litanya ni Sara.
"Naku Sara ako'y tigil tigilan mo sa kadramahan mo ha."
"Meron ka bang vitress?"
"Meron bakit."
"Pang protect daw yun sa buhok?"
"Oo."
"Eh meron ka bang pang protect sa heart? Para hindi na ma damage pang muli?" Hugot ni Sara'ng luka.
"Edi wow! Lakad ka na nga dun at maliligo pa ako!"
Sinarado ko na lang ang pinto at nagsimula ng maligo. K.
~*~
Huhuhu! May pasok pa rin kami. Huhu
Anyways, salamat sa mga nagbabasa nitong puro kabaliwang Section ng mga Hugot Lines. Aba nga naman at naka 5k reads. Haha.
Vote.Comment.
Pm nyo ko if gusto nyong idedicate ko sa inyo ang mga update. Pili lang kayo kung anong gusto nyong part ang idedicate ko sa inyo. Arasso?
Lets be friendseu!!
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Acak#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...