Hugot 82

129 1 0
                                        

Nandito kami sa may community park. Naglalaro kami ng badminton ng aking mga friends.

"Time out muna! Bili muna tayo ng tubig nauuhaw na ako." Sabi ni Trish.

"Okay tara."

Halos lahat kami nina Sara bitbit namin ang kanya kanya naming mga bag at raketa pwera lang kay Trish na bruha na, luka pa. Ewan ko ba d'yan. Ka gaan gaan naman e ayaw pa bitbitin. Bahala s'ya pag nawala 'yang raketa n'ya.

"Hindi mo dadalhin raketa mo?" Tanong ni Sara.

"Hindi na. Di naman 'yan mawawala d'yan. Lezzgo!"

"Tch. Bahala ka sa buhay mo ha." Sabi ko naman.

Bumili kami ng tubig at bisquit para makapag snack muna kami bago ulit maglaro.

Pagbalik namin... Tadah! Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Yung raketa ni Trisha, tentenenen!!! Missing.

"Halah nasaan na 'yun?"

"Yan kasi eh. Ayaw ayaw pa dalhin ayan tuloy." Sabi ni Kristel.

"Aba! Malay ko bang mawawala."

"Problema kasi sayo, wala kang pag iingat sa pagmamay-ari mo e. Tapos iniiwan mo pa!" Sabi ko.

"Luh Cinds, kalma lang." Sabat ni Sara

"Di ko naman talaga alam na mawawala e. Saka saglit lang tayong umalis di'ba?"

"Yun na nga, sa saglit na 'yon anong nangyari? Ayan wala na! Wag mo kasing iwan sa alam mong makukuha ng iba. Yung maaagaw sa'yo! Yung pagbalik mo, wala ka ng babalikan! Yung wala ka ng madadatnan. Sana isipin mo 'yun! Sana isipin mo na kung talagang mahalaga sa'yo ang isang bagay, hindi mo basta basta iiwanan."

"Cinds teka nga lang, maka react ka naman kasi parang ikaw yung nawalan e. Saka yung raketa ba talaga ang pinoproblema mo o may pinagdadaanan kang iba?" Sabi ni Sara.

"Di'ba pwedeng gusto ko lang humugot kasi ang tagal kong hiatus? Duh!" Sabi ko sabay irap pa. Tch.


It's so nice to be back! HAHA Charness! 😊😊😊

Na miss ko mag update ng hugot skit.

Pa vote and comment guyseu! Gomawo :3

♡'s All over

~Airassi

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon