Hugot 3

3.3K 142 15
                                    

Hanggang ngayon bad trip pa rin si Kristel, tapos na lahat ng klase nakabusangot pa rin s'ya. Minsan 'pag napapatingin ako sa kanya at nakakunot ang noo natatawa na lang ako e.

"Nakakainis talaga!" Sabi n'ya habang inaayos sa bag n'ya ang mga gamit n'ya.

"Hayaan mo na, wag ka ng bumusangot d'yan!" Sabi ni Sara

"Tara na lang mag lomi?" Suggestion ko. Paborito kasi naming magkakabarkada ang lomi.

"Sige na nga." Sabi ni Kristel

After ng klase namin, dumerecho na kami sa lomihan ni aling Cecil.

"Uyy tara dun tayo!"
May tinurong pwesto si Shaina kaya dun na lang kami pumwesto.

"Hello po aling Cecil, pitong order nga po ng lomi."

"Ahh sige mga ineng, pakihintay na lang sandali ha."

"Okay po."

"Hayyyy nakakainip mag hintay."
Sabi ni Gretchen habang nakahalumbaba.

"Atleast dito may aasahan ka talaga na darating sa'yo, e kung sa paghihintay mo yan sa inaasam mong prince charming, walang kasiguraduhan kung darating ba agad agad o wala talagang pag asa."

Sagot naman ni Janine.

"Oh mga ineng, ito na mga order nyo."

Nang mailapag na ni Aling Cecil yung mga order namin, umalis na din sya.

"Oh tignan mo, worth it ang paghihintay kasi may dumating talaga."

"Humuhugot ang bata. Tsk tsk!" Sabi ni Shaina

"Uy dahan dahan!"

"Ouch! Napaso ang dila 'ko." Sabi ni Sara

"Yan kasi, nagmamadali ka e! 'Pag nagmamadali ka, masasaktan ka talaga. Minsan kasi, mag hinay hinay. Minsan isipin muna ang mga gagawin, hindi 'yung gora ka ng gora!" Sabi ko

"Tsk. Oo nga! Pero dahil sa naranasan mo, sana naman natuto ka na."

"Psh! Oo na! Maghihinay hinay na 'ko, alam ko naman na masasaktan ako pero ginawa 'ko pa'rin. Ipinilit ko kaya ako ang may kasalanan."

"Tss. May hugot e."

"Tama naman 'diba? Kung sana nakinig agad ako sa inyo, hindi ako masasaktan. Kung sana.. hayyyy."

"Tara kumain na tayo. Baka kung sa'n pa mapunta ang usapan e."

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon