Hugot 4

2.6K 92 4
                                        

"Cathy, tara sumakay 'dun sa extreme tower!" Masiglang sabi ko kay Cathy. Nandito kasi kami ngayon sa Enchanted Kingdom. Nagkayayaan lang. Lahat kaming magkakabarkada nandito, saka yung iba naming mga kaklase.

"Ayoko, sa una lang kasi masarap d'yan, 'yung iaangat ka sa saya, 'yung pakiramdam na parang lumulutang ka, tapos susunod, iiwan ka muna sa ere, tapos susunod babagsak ka na. Pagkatapos mong bumagsak sa sobrang sama ng nararamdaman mo, para kang wala sa sarili. Parang di mo maintindihan ang pakiramdam mo. Tapos..."

"Letse! Kung ayaw mo 'di wag, dami mo pang sinabi!"

Sabay walk out ko. Hmp.
Makapunta na nga lang kila Sara.

"Uy Sara!"

"Oh Cindy, asan si Cathy?"

"Ayun iniwan ko muna kasama nila Karen."

"Bakit?"

"Eh niyayaya ko kasi na sumakay sa Exteme Tower, ang dami ng sinabi, humugot na."

"Eh kasi naman, hayaan mo na lang muna 'yun, alam mo namang may pinagdadaanan e."

"Hayyy oo nga. Kaya nga dito na lang ako nagpunta, kayo na lang ang yayayain ko."

"No no no! Ayoko sumakay dun noh! Saka pagod na 'ko."

"Yan yan! Ganyan naman talaga e, sa una masaya, magkakasama, pero darating talaga sa point na magsasawa na, na sasabihin pagod na. Hayyy. Tapos, susunod, ako na lang talaga mag isa."

"Hindi naman sa ganun, pagod na talaga ako Cindy, sorry. Kung gusto mo kay Kim ka na lang magpasama. Uy Kim samahan mo muna si Cindy."

"Ha? Nako, takot ako dun e. Kung gusto mo kay Trish ka na lang magpasama. Uy Trish sama-"

'Di ko na pinatapos si Kim.

"Yan! Tapos pagpapasa pasahan nyo na ako. Ibibigay na kung kani-kanino."

Hmp. Nakakatampo! Makasakay na nga lang mag-isa.

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon