Tatlong araw na lang, midterm exams na namin. Jusko! Hell week na naman. Darating na naman ang dooms week. Hays.
"Grabe ang sipag ni Karen, nagrereview na kaagad oh." Sabi ni Angelika.
Hindi umimik si Karen, talagang seryoso s'ya sa pag aaral.
"Wag n'yo guluhin, kita ng seryoso e." Sabi ko naman.
"Buti pa s'ya, nagseseryoso. Samantalang ang ex ko, hindi."
Napatingin kami kay Denise na nakisabat sa usapan. Chos! Kaklase rin namin yang si Denise, irregular nga lang.
"I swear, iinom talaga ako ng memo plus. Para di ko makalimutan yung mga ni review ko." sabi ni Karen.
"Sana pinainom ko rin s'ya ng memo plus. Para hindi n'ya ako nakalimutan. Ang sakit lang kasi sinadya n'yang kalimutan lahat. Lahat ng memories namin, lahat lahat. Lahat pati... ako."
Sabi ni Denise. Ouch. Kita talaga sa mga mata n'yang sobrang lungkot n'ya.
Okay.
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Random#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...