Inagahan ko talaga ang pasok ngayon kasi wala pa akong assignment sa accounting. Huhuhu! Kailangan ko pang mangopya. Sana h'wag muna dumating yung prof namin.
"Bilis pahiram na ng notes mo!" Sigaw ko kay Kristel.
"Grabe, teka lang nangongopya rin ako noh!"
"Nauna kang dumating sa'kin, di ka pa rin tapos! Tss."
Hindi n'ya inintindi yung sinabi ko, sulat lang s'ya ng sulat.
"Oh ayan na!" Hinagis n'ya sa'kin yung notebook n'ya saka s'ya lumabas ng room. Pupunta ata sa cr.
"Uy Cindy, pa kopya rin ako ha." Sabi naman ni Sara.
"Oo pagkatapos ko."
Nagmadali na akong magsulat, baka biglang sumulpot yung prof namin.
"Oh!" Inabot ko kay Sara yung notebook ko.
"Uy, pa'no nakuha 'yung sagot dito?"
Pa'no nga ba?
"Ganito, uhm.. Dito sa number 1, ah eh... halah pa'no nga? Teka, eto atang sagot ay galing dito sa pinag add na liabilities at owner's equity. Ayyy hindi, eto pala, pinag minus ata. Alah! Ang gulo! Ewan ko!" Grabe, bakit kahapon nung diniscuss 'to, gets na gets ko? Bakit ngayon naguguluhan ako!
"Aish! Yae na nga. Kokopya na lang ako."
"Alam mo Sara, ang pag ibig ko para kay toot toot parang kinopyang assignment. Na kapag tinanong ng iba, ang hirap i explain."
"Toot toot daw, bakit ayaw mong banggitin pangalan n'ya? Yiiee, ayaw n'yang ipaalam sa iba."
"Syempre, naguguluhan pa rin ako. Kagaya nga ng sabi ko, mahirap i explain.
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
De Todo#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...
