Hugot 77

236 16 3
                                    

Sobrang saya at kagulo na ang mga tao dito sa'min dahil bagong taon na. Sobrang ingay dahil sa mga torotot at mangilan ngilang mga paputok.

Nandito kami sa may plaza nina Sara. Halos kaming magka kaklase ay nandito dahil may fireworks display at may mga banda pa. Omo! Sobrang saya!

"Cinds, gustong makipagbalikan ni Yohan."

"Oh? Tapos?"

"Cinds naman eh."

"Ano! Mahal mo pa ba?"

Tanging tango lang ang naisagot sa'kin ni Janine. Jusko! Bruhang 'to, babalikan pa ang kolokoy na manlolokong si Yohan?

"Nasa sa'yo 'yan, pag isipan mong mabuti."

"Wait lang ha, puntahan ko lang s'ya saglit."

"Tch."

Umalis na si Janine para puntahan daw si Yohan.

"Pst Sara!"

"Ano?"

"Tara sundan na'tin si Janine."

"Bakit? Anong trip na naman 'yan?"

"Basta! Ayaw na lang netong makisama eh!"

"Psh. Oo na. Nasan na ba yun?"

"Ayun oh!"

Sinusundan namin si Janine. Mwehehehe. Wag kayong maingay okay? Baka mahuli kami!

Nagtago kami ni Sara sa likod ng isang poste ng ilaw. Bwahaha!

"Y-Yohan? S-sino 'yang kasama mo? Akala ko ba gusto mong magkabalikan tayo? A-ano 'to? Sino 'yang babaeng kasama mo?" Halos paiyak na si Janine. Sinasabi ko na nga ba eh.

"J-Janine, kanina ka pa ba d'yan?" Gulat na napalingon si Yohan kay Janine.

"Sagutin mo yung tanong ko! Sino yang kasama mo? Yohan naman eh. Akala ko ba aayusin natin yung relasyon natin?"

"I'm Ayessa, Yohan's girlfriend. And you are? His ex? Sorry ha, nagkaroon lang kami ng 'di pagkakaunawaan kaya nasabi n'yang gusto n'yang makipagbalikan sa'yo, pero huwag mong seryosohin 'yun. He didn't mean it." Sabi nung Ayessa na naka ngiti pang tipong nang aasar. Sarap bigwasan, mga 97 times.

Di ko na napigilan at lumabas na kami ni Sara sa pinagtataguan namin. (Otor: Parang feelings lang yan e, 'pag di mo na napigilan at kahit anong tago mo, lalabas at lalabas rin.)

"Hoy! Gusto naming salubungin ang bagong taon ng masaya ha, baka ikaw gusto mong salubungin ang kamao ko? Ano?!" Sigaw ko kay Yohan.

"Cinds. Tara na." Sabi ni Janine

"Hoy Yohan, ito lang ang sasabihin ko sa'yo. Wag na wag ka ng lalapit kay Janine. Naiintindihan mo? Tch."

Bumalik na kami nina Sara sa pwesto namin kanina para manood ulit ng banda.

"Cinds, dapat pala hindi na ako naniwala sa kanya nung sinabi n'yang gusto n'yang makipag balikan. Ang tang tanga ko."

"Oo nga tanga ka nga. Ito ang tatandaan mo Janine, yang si Yohan ituring mong paputok na nasindihan man, pero di pumutok. Pag di pumutok, wag na wag mong babalikan, kasi ikaw lang ang masasaktan. Gets mo naman ang gusto kong sabihin di'ba?"

"Yup. Tatandaan ko yan Cinds. Thank you."

~

HAPPY NEW YEAR GUYSEU! :)

-airassi

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon