Di'ba march ngayon?
Nanloloko ba yang mga tindahan na nakikita ko? Bakit may mga dekorasyon sila na mga puso?
Yung ilang tindahan pa nga e may mga rosas at tsokolate pa.
Yung iba naman may mga lobo na hugis puso.
Ano bang meron ngayon? Naiinis na ako ha! 'Di ako maka relate.
"Happy Valentines day babe." Rinig ko na sabi ng isang lalaki sa kaakbay n'yang babae.
"Happy Valentines day din babe." Saka ngumiti ng pagkatamis tamis ang babae.
Bakit kahit saan ako lumingon, may mga couple?
Ano ba talaga ngayon? Anong okasyon?
Narinig ko kanina, Valentines day daw?
May ganoong okasyon pala? Bakit di ako na inform? Bakit sila lang ang nag eenjoy?
Napadaan na naman ako sa isang couple na nakaupo sa isang bench. Dahil trip kong maki upo rin sa inuupuan nila, dun ako naupo katabi ng babae. Medyo may space naman kaya dun na lang ako naupo. Hindi naman siguro ako malaking hadlang sa paghaharutan nila noh? Hindi naman siguro ako magiging abala sa kanila dahil makikiupo lang ang isang magandang tulad ko.
"I love you hon."
"I love you too."
"Tssss. Magbe-break din kayo kasi nga walang forever."
Walang emosyon kong sabi kahit hindi ako nakatingin sa kanila.
"Awww. Hon, ang bitter n'ya noh? Hihihi." Sarap konyatan ng babaeng itu. Akala n'ya hindi ko s'ya narinig huh!
"Hayaan mo na lang s'ya hon, uy kainin mo na yung mga chocolates. Baka matunaw hon."
"Yang chocolates na 'yan, parang love. Matutunaw at matutunaw rin. At kapag sobrang tunaw na, itatapon mo na lang. Kasi nga walang forever."
"Hon kanina pa s'ya sabi ng sabi ng walang forever oh. Di'ba tayong dalawa ang magpapatunay na may forever?"
Sabi na naman ng babae.
"Hehehe. O-oo naman hon."
"Hon, thank you nga pala dito sa flowers and balloons. Pati na rin dito sa bear. Ang galing nga, pag pinindot mo yung tiyan n'ya, nagsasalita ng i love you. Ang sweet mo talaga, hon. I love you." Sabi na naman ng babaeng uber sa pagyakap dun sa lalaki.
"Ang flowers nalalanta, kagaya ng love nyo sa isa't isa. Kahit anong pag aalaga n'yo, malalanta at malalanta rin. Ang balloons na 'yan, mawawalan rin ng hangin. Kahit tapalan mo pa yan ng sandamakmak na tape, sisingaw at sisingaw yan. So kahit itago mo pa yan ng pagkaayos ayos, darating ang oras na bibigay rin yan at hindi na babalik sa dati nitong porma. Ang bear na yan, maluluma at maluluma. At darating ang panahon na masisira rin. Matatastas ang tahi, at hihina rin ang baterya n'yan, kaya ang tendency, hindi na 'yan makakapagsabi ng i love you sa'yo. Kagaya ng boyfriend mo na yan miss, magsasawa rin yan sa'yo at hindi ka na n'yan sasabihan ng i love you. Kung sa umpisa okay ang lahat, pwes sa umpisa lang yon. Lahat nagbabago. Kasi nga, walang forever. Hahahaha!"
Napatingin ako sa kanila at kita kong naiinis na yung babae. Yung lalaki naman walang reaksyon.
"Sige, mauna na ako. Enjoy your date. Magbreak sana kayo, ayyy este, magtagal sana kayo. Magtagal pero matatapos. Hahahahahaha! Happy Valentines day sa inyo."
Bago pa mahablot nung babae ang buhok ko at pagsasabunutan ako, umalis na ako. Mahirap na baka mapaaway pa. Hahaha. Epic face nung girl e.
"Uy Cindy! Andyan ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap! Bakit ka nananakbo?"
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Random#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...