Hugot 44

448 35 8
                                    

Wala pa kaming klase kaya nasa canteen muna kami ngayon nila Sara, Jane at Kristel.

"Ayan na si eomma." Sabi ni Jane out of the blue. Psh. Ano na naman kaya yan?

Napatingin ako sa likod ko pero wala naman ang mama n'ya.

"Eomma? Tsss. Nahahawa ka na kay Cindy e. Puro na kpop! Alam ko meaning n'yan, tinuro 'yan sa'kin ni Cindy e. Ahhh, eomma, di'ba mom ang ibig sabihin nun Cindy?"

Tanong ni Sara.

"Oo." Tipid na sagot ko saka ulit kumain ng fries.

"Ayan na si eomma, eommanggagamit!" Sabay kaming napatingin sa likuran namin ni Sara. Nakita namin si Charles. Boyfriend ni Jane, wait... wala na sila?

"Haruman."

"Uy Cindy, haruman daw oh. Di'ba, kanta 'yan ng idol mo? Yung BTS nga ba yon?"

"Harumanloloko s'ya!" Sabi naman ni Jane. Jusko! Ano ba naman 'tong si Sara, di maka gets e.

"Aegyo."

"Aegyo? Alam ko rin 'yan! Ginagawa 'yan ni Cindy e. HAHAHAHA! Ang dami mo na rin palang korean words na alam Jane? Nux!" Tuwang tuwa na sabi ni Sara. Parang timang lang.

"Ganito 'yan e." Tapos ayan nga, nag aegyo na si Sara.

Parang baliw!

"Buing buing~~ Sarang hae!~~~" sabi ni Sara with matching heart heart pa gamit ang kamay n'ya. Tapos nag peace sign pa. Psh.

"Aegyoko na!" Medyo naluluha na si Jane. Emeged!

"Ha?" sabi ni Sara.

"Oppa."

"Yan yan! Alam ko rin 'yan! Narinig ko 'yang sinabi ni Cindy nung nanonood s'ya ng bidyo ng BTS sa cellphone n'ya e... Sabi n'ya, waaaahhh Jungkook oppa! Bwi oppa!" Sabi ni Sara gamit ang matinis n'yang boses. Konti na lang masasapak ko na 'to. Pinagtinginan tuloy kami nung mga tao sa canteen, isa na don si Charles na kasama ang mga kabarkada n'ya. Hindi namin kaklase si Charles.

"Oppagod na 'ko!"

"Hana, dul, set."

"Waaaahhh! Alam ko rin 'yan! 1 2 3 yan di'ba Cindy? Wow! Sa kakasama ko kay Cindy, ang dami ko ng alam na korean words."

"Hana, dul, set. Bwiset s'ya!" Yan na ang huling sinabi ni Jane bago s'ya lumabas ng canteen.

"Anyare dun?" tanong ni Sara na ang slow slow slow slow!

"Nag ko-korean na s'ya ngayon tapos bigla bigla na lang mag wa-walk out. Ang weird." Sabi na naman n'ya saka uminom ng coke.

~*~

Grabe. Hindi kaagad ako makapag update dito. Waaahhh! Busy na sa school. >•<

Kamusta kayo mga friendseu???

*LoveLots!!!

-Airassi♥

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon