Debut ni Angel, nandito kami sa resort kung sa'n ginaganap yung birthday n'ya.
Nag eenjoy kaming lahat pwera lang kay Jenny, kaklase rin namin. Alam n'yo ba, sa'kin n'ya sinasabi yung mga hinanakit n'ya. Napadpad lang naman ako dito sa may table nila kasi dito nakaupo sila Angelika kanina, sila Angelika naman ang ipinunta ko dito sa table nila hindi ang makinig sa mga hinanakit n'ya sa buhay. Gusto ko na ngang umalis at pumasok sa loob ng hotel kasi alam n'yo, kanina pa ako nilalamok dito. Madilim na kasi.
Siguro puro na pantal ang braso ko.
Hindi naman kami close pero kung makapag open up s'ya, todamax! Psh, hindi naman sa sinasabi ko na bawal mag open up sa'kin, ang akin lang, nandito tayo para mag enjoy! Di'ba? Hindi yung bumusangot na lang ng bumusangot ang mukha hanggang sa matapos ang party ni Angel.
"Nakakainis! Alam mo yung feeling kapag nakikita mo yung boyfriend mo na lantarang nakikipaglandian? Alam mo Cindy, hindi man lang n'ya inisip na kasama n'ya ako. Na nandito lang ako sa malapit. Kumukulo talaga ang dugo ko!"
"Yan! Ngayon mo lang ako kakausapin 'pag may kailangan ka? Pag may problema ka? Ganon?"
Medyo nagulat ata s'ya sa sinabi ko.
"Dejoke!" Sabi ko pa sa kanya. Baka isipin n'ya ang sama kong tao. Huehue
"Hayyy...." Bumuntong hininga na lang ang bruha. Chos!
"Pero di'ba hindi naman s'ya ang lumalapit? Infact, s'ya pa ang nilalapitan. Kasi kita ko s'ya d'yan kanina na sina Tristan ang kasamang umiinom. Tapos ayun nilapitan na s'ya nung tatlong babae. Siguro kaya n'ya lang in-entertain yung mga 'yon kasi ayaw n'yang magmukhang bastos at walang modo. Kasi di'ba, kung aalis na lang s'ya basta basta d'on na hindi pinansin yung tatlo, edi syempre iisipin nung mga babae na napaka walang respeto naman ni Aldrin. Kaya hayaan mo na muna, h'wag mo isipin na niloloko ka n'ya. Kahit girlfriend ka n'ya, syempre meron pa rin kayong kanya kanyang buhay. H'wag mo s'ya gaanong paghigpitan, kasi hindi lang naman ikaw ang tao sa paligid n'ya wag kang ano!"
"Ouch!" Ayan na nga, kinagat na naman ako ng lamok. Bwiset na mga lamok 'yan! Ako pa ang kinakagat! Bat di na lang si Jenny? Tsss! Patay kayo sa'kin mga hinayupak na lamok! Kakagatin ko rin kayo, juzzzz wait!
"Oh napa'no ka?"
"Wala kinagat lang ako ng lamok."
"Oh tignan mo Cindy, may lumapit na namang isang babae. Tapos hinawakan pa yung balikat ni Aldrin! Nabubwisit na talaga ako ha!" Inis na sabi ni Jenny. Wow ha! Ang gwapo naman ni Aldrin! Napaka habulin ng chix. Nux!
"Alam mo Jenny, isang isa na lang talaga! Pag 'di mo pa tinigil 'yang kaechosan mo na 'yan, masasapak na kita. Sinabi ko na ngang, hindi naman s'ya ang lumalapit e! S'ya nga ang nilalapitan! Bat ba ang kulit ng lahi mo? Alam mo, isipin mo na lang na lamok 'yang mga babaeng 'yan. Di'ba sila ang lapit ng lapit sa tao. Ngayon, nakakita ka na ba ng tao na s'ya ang lumalapit sa lamok para makagat lang?"
"Hindi pa."
"Oh 'yun naman pala e! Edi kung gusto mo, pahiran mo ng OFF lotion 'yang boypren mo para walang makalapit na lamok! Letse! D'yan ka na nga!"
OFF lotion pa more, so bawal lumapit sa boypren ni Jenny. Arasseo?!
-VOTE.COMMENT-
Followmeeee!Ayos lang ba ang update ko ngayon?
Follow me on twitter @BeybiJuju
Gomawo (^-^)
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Diversos#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...