Hugot 49

449 26 4
                                    

Tapos na ang Valentines Day, meaning, klase na naman. Hayyyy.

Alam n'yo ba, nililigawan na ako ni Xian. Yiiie! Wag kayong bitter d'yan ha! May forever kaya!

May klase kami sa accounting. Huhuhu!

"Okay, get one whole. Quiz tayo."

"Wala kang papel?" Tumango naman ako. Tinatamad kasi akong maglabas ng papel, saka madaming hihingi.

Nag abot naman agad s'ya ng papel sa'kin. Todo ngiti pa ang Xian ko.

"Thank you." Sagot ko na medyo pabebe pa.

Dahil nga naglabas s'ya ng papel at ang mga kaklase ko ay mga dakilang parasites, kasama na ako dun, naubos na ang papel ng Xian ko.

Wala na tuloy natira sa kanya miski isa.

"Halah, edi wala ka ng papel. Dapat kasi nagtitira ka para sa sarili mo, dapat unahin mo ang sarili mo. Gawin mong priority ba." sabi ko.

"Pa'no ba yan? E ikaw ang priority ko. Kaya nga ikaw ang inuna ko e." /le kinilig./

"Kahit wala ng matira sa'kin, basta maibigay ko lang sa'yo masaya na ako." Sabi na naman n'ya na todo ngiti pa rin. Wag kayong maingay ha, pero shiks! Kinikilig ako.

"Ano ka ba! Ang baliw mo. Yan tuloy wala ka ng papel, pinamigay mo pa."

"Okay ng papel ang ipamigay, wag lang ikaw. Yun ang hindi ko kayang gawin." Peste! Yung puso ko lalabas na.

Ang saya na sana kaya lang biglang sumingit si Sara sa moment naming dalawa ni Xian. Sara Sara, agaw eksena talaga.

"Uy Xian, penge namang papel oh."

"Naku, sorry Sara. Ubos na kasi e."

"Yan! Pag ako talaga, wala ng natitira? Palagi na lang ubos. Wala na ba talaga akong halaga?"

"Ang arte mo! Oh!" Kumuha na ako ng papel sa bag dahil baka maglupasay pa dito sa sahig si Sara dahil lang sa hindi nabigyan ng papel.

Matapos mabigyan ng papel si Sara, aba ang bruha ni hindi man lang nag thank you. Letse talaga yon!

"Meron ka pala e."

"Hehehe. Yup! Ayoko lang kasi mamigay, madamot ako e. Oh."

Inabutan ko na s'ya ng papel.

"Oh akala ko madamot ka?" Napatawa naman s'ya sa sinabi n'ya. Anong nakakatawa dun?

"Hehehe. Syempre ibang usapan na pag ikaw. Madamot nga ako, lalo na sa mga bagay na pag aari ko. Soon, mas magiging madamot pa ako."

Napakunot naman ng noo si Xian.

"Bakit naman?"

"Pag naging akin ka na. Ipagdadamot talaga kita." Saka ako ngumiti sa kanya.

Napangiti rin naman ng malapad si Xian, tapos parang medyo nag blush pa s'ya.

"Oh, tapos na ang kilig moments n'yong dalawa?" Sabi ni Sara na for sure, naiinggit na. Hahaha.

"Ayun na yung sasagutan oh, hindi n'yo pa kinokopya. Tsss."

Kanya kanya muna kami. Nagsasagot e.

Nung matapos na kaming magsagot, nagkaingay na naman ang mga kaklase ko.

"Uy na balance mo?"

"Hindi nga e."

"Ako rin."

"Oy ikaw, na balance mo ba?"

Jusko, ang ingay ng mga kaklase namin.

"Ang ingay nila." Sabi ni Xian

"Oo nga e. Uhm, ikaw ba na balance mo?"

"Oo naman. Na balance ko."

"Ahh." Yan na lang ang tanging nasabi ko.

"Dapat tayo ma balance rin natin ang time natin ha. Time for studies, sa family, sa friends. Para naman hindi sila magtampo. Lalo na yang sila Sara, alam kong matampuhin yang mga kaibigan mo na yan kaya dapat may time tayo sa isa't isa, at syempre may time ka rin para sa mga ibang bagay. Okay?"

Bigla na namang lumapit sa'kin si Sara.

"Uy na balance mo Cindy?"

"Oo naman."

"Ako hindi. Huhuhu!"

"Ikaw kasi, kaya ka iniwan hindi ka marunong mag balance. Tignan mo, nung kayo pa, sa'ming mga kaibigan mo rin naman ikaw laging sumasama. Dapat may time ka rin sa kanya. Tignan mo kami ni Xian, iba-balance namin ang time na ibibigay namin sa mga ibang bagay, pati na rin sa min."

"Letse! Cindy, accounting naman ang pinaguusapan e. Hindi ang past love life ko. Tsss. D'yan na nga kayo."

"Puro hugot ka pa rin talaga e." Sabi ni Xian.

"Kung hindi ako huhugot, edi hindi na ako makakapag update dito sa wattpad. Tapos agad ang kwento natin, sige ka."

"Hehe. Oo nga noh."

Ang gwapo ni Xian.

"I love you." Sabi n'ya, kaya naman ako kinikilig ng palihim. Basta quiet lang kayo. Kunware pabebe ako. Hahaha.

"Oh anong sagot mo?" Tanong n'ya. Tss. Para s'yang bata.

"Kailangan ba talaga may sagot? Di ba pwedeng pakiramdaman mo na lang?"

Napanguso naman s'ya

"Oh s'ya, i love you too."

Ang sweet namin noh? Inggit ba kayo? Haha. Joke!

Wag kayong bitter ah! Kasi, may forever kami kayo wala! Hahaha. Jokieee!

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon