Start na ulit ng klase namin. Hays. May recitation kami ngayon jusq!
"Cindy, nag aral ka?" Tanong ni Sara.
"Uhm, nagbasa basa lang ako. Bakit?"
"Pag natawag ako, bulungan mo ko ng sagot ha."
"Bakit? Di ka nag aral? Anong ginawa mo kahapon?"
"Naghanap ng pokemon. Hehehe."
"Proud ka pa sa sagot mo ah, ano namang mapapala mo d'yan sa pokemon na 'yan? Puro yan ang inatupag mo! Sara talaga oh." Inirapan ko s'ya.
"Natripan ko lang. Hehehe. Kainis nga, habang naglalakad lakad ako kahapon eh nabunggo ako sa may poste. Tignan mo may pasa ako sa braso ko. Haha." Pinakita n'ya pa sa'kin yung braso n'yang may pasa.
"Yan, kakahanap mo nasaktan ka pa. Ayaw na lang kasing maghintay na may dumating na para talaga sa'yo."
"Cindy, wala kang mapapala kung maghihintay ka lang ng maghihintay. Tch. Wala kang makukuhang pokemon!"
"Tch, hindi naman pokemon ang tinutukoy ko eh."
"Eh ano pala?"
"Ah wala. Tch. Bahala ka d'yan! Pag natawag ka wag kang aasa sa'kin ha."
"Ano bang tinutukoy mo?"
"Wala! Hugot lang 'yon para may mai-update yung dyosang author nitong letseng storyang 'to na wala namang plot!"
"Patay ka! Baka ako na gawin n'yang bida. Sinabihan mo ngang dyosa si author nim, tapos sinabihan mo namang letse yung story n'ya at wala pang plot. Luh ka!"
"Totoo namang walang plot eh, nasa description kaya ng story na 'to!"
"Ewan ko sa'yo. Luhhhhh! Yan na si ma'am!" Napatingin kami saay pinto at pumasok na ang prof namin.
"Goodmorning class."
"Goodmorning ma'am."
"So start na kaagad tayo okay."
"Yes ma'am!"
Nag di discuss na si ma'am at minsan ay nagtatanong s'ya.
May problem s'yang pinapasagutan sa board.
"Any volunteer?"
Tataas sana ako ng kamay kaso naisipan kong pag tripan si Sara.
"Ma'am si Sara daw po."
Gulat na napatingin sa'kin si Sara.
"Luh?"
"Okay Sara on the board."
Sinamaan ako ng tingin ni Sara. Hahaha! Habang papunta s'ya sa board eh pabulong bulong pa s'ya. Laughtrip! Hahaha! Alam n'yo yung feeling na tawang tawa ka na pero pinipigil mo ang tawa mo? Sakit na ng t'yan ko kakatawa eh. Geurabe!
(Otor nim: Ahh yung feeling na inlove na inlove ka na pero pinipigilan mo kasi ayaw mong malaman n'ya kasi nga alam mong wala ka talagang pag asa kaya in the end, nasasaktan ka. Yun ba yon?)
(Cindy: Tch, naisingit mo pa 'yan otor nim ha.)
(Otor nim: Syempre naman, para naman may mai-update yung dyosang author nitong letseng storyang 'to na wala namang plot!)
(Cindy: Uhm, okay.)
"Okay, sinong may ibang sagot?"
Si Sara ayun nasa board pa rin, nagso solve. Hahaha!
"How about you Jarren? May iba kang sagot?"
"Uhm, no ma'am."
"Ibang sagot wala s'ya, pero ibang babae meron." May narinig akong bulong.
Napatingin ako sa katabi ko, si Lalaine. Girlfriend ni Jarren. Wait? Di kaya, break na sila?
"Lalaine..." Bulong ko.
"Yes, wala na kami ni Jarren, Cindy." Okay, nabasa n'ya ang nasa isip ko.
"Bwisit ka Cindy!" Sabi ni Sara saka ako hinampas sa braso.
"Hahaha! Buti nakatapos ka sa pagso-solve mo. Kala ko aabutin ka na ng limang taon eh." Sabi ko. Haha. Tawa pa rin ako ng tawa.
"Limang taon? Yung iba ngang relasyon di na inaabot ng limang taon. Minsan limang araw lang. Hays."
"Yung pag a-answer mo sa board ang tinutukoy ko."
"Ahh yun ba. Sorry naman. Wag mo na lang pansinin. Hugot lang 'yon para may maidagdag sa update yung dyosang author nitong letseng storyang 'to na wala namang plot!"
~
Favor naman guyseu, vote and comment naman kayo. Gomawo ♡♡♡
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Random#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...