Hugot 42

484 34 2
                                    

Magkakasama kami nila Mika ngayon sa canteen. Break time kaya ayan, gora kami dito.

"Mika, natatandaan mo nung nag badminton tayo dati sa may compark?" Tanong ko kay Mika na busy sa pagkain n'ya.

"Oh?"

"Kasi nakausap ko non si James. And alam mo ba, sabi n'ya na mahal ka pa rin n'ya. At gusto n'yang magkabalikan kayo."

"Sus, style n'ya! Wala na akong pakealam sa kanya. Matapos n'yang sabihin dun sa babaeng kausap n'ya na hindi n'ya ako kilala. Huh! Ang kapal naman ng mukha n'ya."

"Malay mo naman na sincere s'ya."

"Kung sincere man s'ya, wala na sa'kin yun. Hayaan na lang natin s'ya Cindy."

Psh. Bahala nga kayo. Makakain na lang.

Nagulat naman kami ng may biglang sumulpot sa harapan namin. Si James pala.

Napatingin naman ako kay Mika at nakataas lang ang isang kilay n'ya. Tsss. Ang arte ng bruha, may pa taas taas pa ng kilay.

Nakatayo lang si James sa may tapat ng table namin nila Mika Tapos sa may likod ni James, may mga nakatayo ring mga lalaki. Mga kaklase n'ya ata. Ohmygosh! Ano kayang mangyayari?

Nakatingin ng diretso si James kay Mika tapos nakangiti.

Mayamaya, umalis lahat yung mga nakapila sa may likuran ni James. Anong ek ek naman 'yun?

Pumalakpak ng dalawang beses si James tapos nagsidatingan na ulit yung mga lalaki at may hawak na tigi tigisang placard. Wew. Ano kaya yun?

Nung nakapila na ulit sila, at nakaharap sa'min may nakasulat pala dun sa mga placard. May tigi tigisang letter na kapag nabuo, 'I WANT YOU BACK' ang mababasa mo. Wow! Effort ha! Tapos may hawak pa silang tigi tigisang rose. Ohmygoshness! Ang sweet!

Napatingin ako kay Mika, hindi na nakataas ang isa n'yang kilay, nangalay na siguro. Kekeke~

Tumayo s'ya at lumapit kay James. Ohmygod! Makikipag balikan s'ya? Yieeee!

"Tigilan mo na 'yang mga eksena mong ganyan James..." What?

"Sweet sana kaya lang, ayoko ng maulit ulit yung nangyari dati na tinaggi mo na girlfriend mo ako..." Gosh!

"Nakita ko yung ginawa mo, umalis yang mga kakunchaba mo saglit then nung pumalakpak ka bumalik sila."

"Well para sabihin ko sa'yo, hindi mo na ako madadaan sa mga padali mong ganyan. And oh, kalapati lang ang bumabalik pag pumalakpak ang amo niya. Hindi ako kagaya ng kalapati na kapag pumalakpak ka, babalik sa'yo matapos mong pakawalan. Yun lang." Nginitian n'ya si James saka s'ya lumabas ng canteen. Nux! Hanep sa eksana ah.

"Awwww." Yan yung narinig namin mula sa mga estudyante sa canteen bago kami lumabas. Kawawa naman si James. Nung malampasan namin s'ya, nakayuko lang siya, kaya tinapik ko na lang siya sa may balikat niya. Yan kasi eh! Wala naman kaming magagawa, desisyon ni Mika yun e. Hays.

~

Natatandaan nyo pa sila Mika at James?

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon