Hugot 22

668 38 7
                                    

Nasa mall kami ni Princess ngayon, kakatapos lang ng klase namin tapos deretso agad kami dito.Whaha!

Buti nalang hindi kami naka uniform ngayon kasi naka casual lang kami tuwing wednesday.

Nag gagala gala lang kami ng may makita akong magandang dress sa isang boutique.

Pumasok kami sa d'un at tinignan ko yung dress na kulay pink. Bibilhin ko na agad 'to!

"Uhm Cindy bibilhin mo na agad 'yan?"

"Uh huh! Bakit?"

"Wala naman." Tapos nagtingin tingin ulit s'ya ng iba pang damit.

"Weh? Gusto mo ba 'to? Kung gusto mo ito na lang ang bilhin mo hahanap na lang ako ng iba, okay lang sa'kin promise."

"Hindi, hindi 'yan ang ibig kong sabihin."

"Oh anong ibig mong sabihin?"

"Kasi alam mo undecided pa rin ako kung sasagutin ko ba si Chester o hindi. Naguguluhan pa rin ako." Sabi sa'kin ni Princess habang nagtitingin tingin kami ng mga damit.

"Bakit naman undecided ka pa rin? Hindi mo pa rin ba sya gusto?"

"Hindi naman sa ganun. Kasi alam mo, hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Kasi si Jacob talaga 'yung gusto ko. Si Jacob talaga simula pa nung first year tayo."

"Alam ba ni Jacob na gusto mo s'ya?"

"Yun nga e, hindi. Hindi ko sinabi sa kanya kasi alam ko naman na may iba s'yang gusto, si Athena 'yung sumali sa pageant last year."

Ah si Athena, maganda nga 'yun.

"Hay nako, wag mo na pakaisipin 'yan. Nandito tayo para mag enjoy. Mamaya pagkatapos natin mamili ng damit, maglalaro na tayo at sunod kakain na. Kaya wag mo muna isipin 'yan." Sabi ko saka ko s'ya nginitian.

"Tignan mo 'to, mas maganda kesa d'yan oh. Mas okay 'to." sabi ko sa kanya habang hawak ang isang dress na kulay black.

"Oo, alam ko naman na mas maganda sya, mas okay sila ni Jacob, mas bagay sila. Pero Cindy, nasasaktan pa rin ako. Lalo na 'pag pinagkukumpara ko kaming dalawa ni Athena. Mas lamang talaga s'ya, wala talaga akong laban sa kanya. Almost perfect na s'ya e. Hayyyy"

Ang drama netong si Princess.

Parang napansin n'ya ata na bigla akong natahimik, kaya nagsalita s'ya ulit.

"Sige 'yan na bibilhin ko!" Kinuha n'ya 'yung dress mula sa kamay ko saka nagpunta sa counter. Sinundan ko naman s'ya.

Nang makarating ako sa counter, humarap s'ya sa'kin sabay sabing

"Ganun naman talaga eh, kung sinong mas maganda at mas okay 'yun ang pipiliin."

"Maganda ka naman princess eh, lahat ng tao may unique na ganda. Uhm, kung ayaw mo n'yan, hanap na lang tayo ng iba."

"Pero meron pa rin talagang mas angat, kaya 'yung iba naeechapwera na. Okay na 'to Cindy. Eto na bibilhin ko. Salamat."

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon