Nandito kami sa bahay nila Janna ngayon, nagawa kami ng report sa humanities.
"Nakakainis naman 'tong wifi na 'to eh! 'Di ko maintindihan. Minsan ang bilis ng connection, minsan naman napakabagal! Kagaya ngayon oh! Tignan n'yo!" Inis na ani ni Janna.
"Ganyang ganyan ang boyfriend ko. Alam nyo ba pag magkatext kami noon, kaka send ko palang ng message ko sa kanya, may reply na agad! Mabilis magreply! Aba ngayon, inaabot na ako ng ilang minuto sa paghihintay ng reply n'ya. Nakakainis! 'Di ko na s'ya maintindihan." Sabi naman ni Trish.
"Malay mo naman busy lang?" Sabi naman ni Sara
"Sana nga busy lang s'ya."
"Eh pa'no kung iba pala ang pinagkaka busyhan n'ya? Halimbawa, may iba palang katext na babae, okay lang sa'yo?" Sabi ko.
"Syempre hindi! Pero, maghihintay na lang ako sa mga reply n'ya."
"Alam mo, 'yang mga ganyang lalaki para talagang wifi. Malay mo kaya bumabagal na sa'yo kasi may ibang nakikihati. May ibang nakiki connect. Well, hindi ko sinasabing ganyan lahat ng lalaki, yung iba lang naman 'diba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/47015273-288-k295573.jpg)
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Random#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...