Hugot 67

288 23 5
                                        

Nasa sala kami. Movie marathon, AGAIN.

"Cindy, anong ipapa deliver natin? Saan ba? Jolibee o Mcdo?"
Sabi ni Janine.

"Ewan ko sa inyo."

"Ayy Cindy, nand'yan si Yohan. Wait lang ah." Tsk. Boyfriend ni Janine si Yohan.

"Bakit daw?"

"Dinadalaw lang ako."

"Tsk. Preso ka ba para dalawin?"

"Cinds, wag bitter okay?" Inirapan ko na lang ang bruha.

Dali daling lumabas ng bahay si Janine at pagbalik n'ya kasama na n'ya si Yohan.

"Painom namang tubig, galing kaming jogging nina Xian e, uhaw na uhaw na ako."

"Bayad bente!" Sigaw ko.

"Mahal naman!"

"Anong gusto mong ibigay sa'yo? Mura?"

"Hehe. Isang baso lang naman sige na."

"Tsk, Janine, ikuha mo nga 'yang boyfriend mo nang makalayas na sa pamamahay ko."

Pumuntang kusina si Janine at pagbalik n'ya, may hawak na s'yang isang basong tubig.

"Babe oh."

"Salamat, sige una na ko ha."

"Yan tayo e, pag nakuha na ang gusto aalis na kaagad. Hayuf!" Sabi ko

"Alis na talaga ako. Beastmode si Cindy e."

Umalis na nga ang damuhong 'yon.

Nakita ko sina Sara na prenteng nakaupo sa sahig at nanonood ng tv. May mga chips pang hawak na sigurado akong sa stocks ng pagkain ko kinuha.

"Kelan ba kayo uuwi? Mag iisang linggo na kayo dito sa bahay ah!"

Singhal ko kina Sara.

"Bahay mo ba 'to?" Pakunwaring hindi alam pa 'tong si Sara.

"Tch oo! Ano ba yan, pakipatay nga n'yang cellphone na natunog na 'yun! Kanino ba 'yon?" Paano may bigla bigla na lang natunog ma cellphone.

"Ayyyy, naiwan ni Yohan." Sabi ni Janine.

"May natawag ata, please pakisagot Janine! Nakakarindi ang ringtone e."

"Tch. Parang hindi nakakarindi yung ringtone n'yang kpop oh kung makapagsalita." Imik na naman ni Sara.

"Bini-beastmode mo'ko?"

"Ehehe. Hindi po."

"Okay sasagutin ko na!" Sabi naman ni Janine. Ini loud speak n'ya kaya rinig namin.

[Hello Yohan! I miss you.] Boses ng babae.

"Hello, who's this?" Sabi ni Janine

*toot toot*

"Pinatay?" Sabi ko

"Oo e. Sino kaya yon? Number lang e."

Maya maya nag ring na naman.

"Huh? Sino naman kaya 'to? Ayessa yung caller name?"

[Hello Yohan, nasan ka?]

"Hello? This isn't Yohan. I'm his girlfriend."

*toot toot*

"Pinatay, na naman?" Sabi ni Gretchen.

"Yup. Sino naman kaya 'yon?"

Sa ikatlong pagkakataon may tumawag na naman.

[Hello Yo! Kamusta?]

"Hello? Who are you?"

*toot toot*

"Pinatay ulit?" Tanong ni Kim

"Bakit may mga natawag kay Yohan? Iba iba ang natawag sa kanya puro hindi ko pa kilala."

"Baka naman friends lang n'ya?"

*dingdong*

"Uy may tao buksan mo Cinds!" Sigaw ni Sara

"Aba't!"

Si Yohan pala. Dire diretso nang pumasok sa bahay ko e. Galing din ng isang 'to!

"Naiwan ko pala phone ko. Hehe."

"Hehe mo your face! Sino yung mga natawag sa'yo? Dalawang unregistered number tapos yung isa, Ayessa ang name. Sino yun? Hoy Yohan kung ikaw magloloko siguraduhin mong hindi kita mahuhuli ha! Sino yun? Answer me!" Hindi naimik si Yohan.

Lahat kaming nasa sala ay nakatingin sa kanya kaya siguro di makapagsalita ang mokong na yun.

"Alam mo Yohan, ginaya mo pa ang Jolibee e noh. Isang number na lang ang tatawagan! Di mo man lang inisip na magkaroon ng ibang sim para sa mga babaeng natawag na yun! Girlfriend mo ako Yohan dapat naman sinasabi mo sa'kin kung sino sino yun para hindi ako mukhang tanga sa kakaisip kung sino yun."

"I--I'm sorry."

"Kung ganyan lang din naman, mas gugustuhin ko pa sa Mcdo!" Sigaw no Janine.

"Mcdo?" Tanong ko. Naguguluhan kasi ako e bakit nasama yung Jolibee kanina tapos ngayon Mcdo naman.

"Yung taong maipagmamalaki ako sa mga kaibigan n'ya at sasabihin sa kanila na "eto nga pala ang girlfriend kong si Janine, at love ko 'to." Naiyak na sabi ni Janine saka tumakbo papuntang cr.

"J--janine let me explain!"

Susundan sana ni Yohan si Janine pero hinarangan ko s'ya saka tinulak palabas ng bahay.

"Umalis ka na. Wag ka munang magpapakita kay Janine sa ngayon. Sasabihan ko si Janine na mag usap kayo sabihin mo ang side mo. Oh eto na phone mong pwedeng pang Jolibee. Tch."

Pumasok na ako sa loob ng bahay baka di ko mapigilan ang sarili ko at masapak ko pa ang isang 'yon!

Pagpasok ko naabutan ko silang lahat na nasa labas ng banyo at kinakatok si Janine sa loob.

"Huy Jan! Labas na d'yan beh!" Sabi ni Kim

"Janine naman oh." Lumapit na rin ako sa kanila. Rinig namin na nahagulgol si Janine. Maya maya binuksan na rin n'ya ang pinto ng banyo at agad namin s'yang niyakap. Sa mga oras a ganito kailangan namin s'yang i comfort.

"Sige, extend kayo dito guys." Napatawa naman silang lahat. Pati na rin si Janine napatawa habang naiyak. Kasi kanina tinataboy ko sila, ngayon naman sinasabi kong extend sila.

Mas okay na nandito si Janine, alam ko kasi na iiyak lang 'to ng iiyak sa kanila e. Atleast pag nandito s'ya at feeling n'ya maiiyak na naman s'ya, ma cocomfort namin s'ya agad.

~

Hi guys! Hi Fire babies :)

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon