"Ano volleyball ulit?" Tanong ko kela Sara. Nasa gym kami ngayon dahil P.E namin. Naka isang game na kami kanina, umalis lang saglit yung teacher namin. Eh, wala pa hanggang ngayon kaya lalaro ulit kami. Bwahaha!
"Ge ba!" Sabi nila
Pumwesto na kami sa court. Ako muna ang mag se-serve ngayon.
Ang saya ng laro namin, syempre kami ang lamang nila Kristel. Sila Sara at yung iba n'yang ka team feeling ko bwisit na sa'min. Bwahahaha!
"Mine!" Sigaw ni Cathy, ka team ko.
"Odi sa'yo na! Bakit inaagaw ko ba? Psh! Oo na. Sa'yong sayo na, happy na? Hindi ko naman ugaling mang agaw!"
"Humugot na naman ang bruha."
"Tabi!" Pumwesto ako sa medyo gilid, sabi ni Trisha e. S'ya kasi ang papalo.
"Psh. Odi tatabi! Masyado ka naman! Gusto mo walang naharang sa'yo para maagaw mo kaagad s'ya!" Lels.
Mayamaya, natamaan ng bola si Karen na nasa gilid ng court at nagce-cellphone. Hoy hindi ko kasalanan ha, si Trisha ang nakatama.
"Aray ha! Umiwas na nga ako, natamaan pa rin ako! Aish!"
"Sorry." Sabi naman ni Trisha.
"Okay lang 'yan Karen. Ganyan talaga. Parang sa love, iwasan mo man ng iwasan, matatamaan at matatamaan ka pa rin ng pana ni kupido. At 'pag natamaan ka, asahan mo na ang kasunod na nun ay ang masasaktan ka. Meron rin naman ng kagaya ng nangyari sa'yo ngayon, nung natamaan ka nasaktan ka na kaagad. Kasi sa pinaka simula pa lang, alam na kaagad natin na walang pag asa. Na hindi talaga talaga para sa isa't isa. Yun talaga yung masakit."
Umalis na ako sa court at uminom na muna ng tubig.
Hays.
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Random#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...
