"Kim anong sabi? Nasaan na daw sila? Jusko anong oras na oh."
"Wait lang daw, malapit na raw sila eh."
"Tsk. Malapit? Malapit na kamo akong mabwisit!"
Inirapan naman ako ng bruha!
"Uy guys, sorry late kami. Teka bakit dito pa kayo sa waiting shed dumeretso? Pwede naman kina Janna na ah?" Sabi ni Kristel.
"Para isang tricycle na lang tayo papasok ng subdivision. Tsk. Ang tagal n'yo eh!" Sabi ni Kim
"Hehe, mejo traffic kasi Kim. Uy Cindy, 'wag ka na magalit. Ayy oh, kunot noo pa eh. Hahaha!"
"Tigilan mo'ko Vince, agang aga bini beast mode mo'ko! Makita lang kita nakaka beastmode na eh."
"Haha! Nakita ka lang, na beastmode na si Cinds oh."
"Luh? Paano mo'ko nakita? Samantalang sa iba ka lagi nakatingin. Ganun na ba talaga? Pag na beastmode ka, ako nakikita mo? Pero bakit 'pag sinasabi kong mahal kita, 'di mo ako makita? Di mo ako mapansin? Di mo ako... Aish! Sakit!" Umarte pa s'yang kunwaring nasasaktan at nakahawak pa sa dibdib n'ya. Tsk.
"Patay ka na naman kay Xian!" Sabi ni Kristel
"Wait, speaking of Xian. Nasaan na yun?" Sabi naman ni Kim.
Oo nga noh. Wala pa pala s'ya.
"I'm here."
"Bat ka nagtatago d'yan sa may poste?" Sabi ni Kim
"K--kanina ka pa ba d'yan Xi-Xian?" Nauutal na sabi ni Vince. Hahaha!
"Hmmm.. Oo. Halos magkasunod lang tayo ng dating. Nagkataon naman na may baon ka palang hugot, so nagtago muna ako at pinakinggan ko kung anong sasabihin mo. Wait, hugot line lang ba 'yon o totoong mahal mo si Cindy?"
"Paktay kang bata ka."
Ang sama ng tingin ni Xian. Si Vince naman namumutla. Hahaha. Epic face.
"S-syempre hugot lang yun Xian. Hehehe. Don't get me wrong dude. Hehehe. Hugot lang talaga yun pramis."
Sabi ni Vince saka nag peace sign pa.
Lumapit naman sa'kin si Xian saka ngumiti.
"Cinds, kanina ka pa dito sa waiting shed? Sorry ah."
Sinamaan ko naman s'ya ng tingin.
"Oo kanina pa ako dito sa WAITING shed. Kanina pa ako waiting sa pagdating mo! Tsk."
"Sorry na nga po. Hehe."
"Tara na guys para matapos na natin agad yung report."
"Matapos? Parang relasyon? Madaling matapos ganun?" Sabi na naman ni Vince.
"Ang arte mo ngayon Vinceky, kaloka 'to!" Sabi ni Kristel.
"Gusto mo sapakin kita para matapos na buhay mo?" Pabirong sabi ni Xian.
"Hehe. Ayoko nga, aagawin ko pa sa'yo si Cindy eh. Bleh!" Sabi ni Vince sabay takbo pasakay dun sa tricycle na sasakyan namin.
Baliw talaga. Tch.
Nakarating naman agad kami kina Janna.
"Uy guys bat ang tagal n'yo? Kanina pa ako hintay ng hintay eh!"
"Pati ba naman ikaw waiting rin? Hahah!" Sabi ni Kim
"Tsk. Nakakaloka maghintay ah!"
"Open mo na yung laptop saka internet para makapag start na tayo." Sabi ko. Hehe
Waiting for network
"Ano ba yan? Pati sa internet, waiting pa rin? Hahaha!"
"Okay, start na talaga. Wala tayong matatapos kung puro kayo daldalan." Sabi ng magandang si ako.
-
Lame update. Mian.
-Airassi ♡
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
Random#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...
