Bukas ipapasa na namin yung ginawa naming report.
"Luh, sana lang talaga walang mali dun sa ginawa kong mga paper works. Jusko! Tama na, ayoko ng ma experience ang ilang gabing walang tulog. Wala namang mali dun diba? Na proof read naman natin ng ilang beses diba?"
"Oo wala ng mali dun. Bakit naman magkakaroon ng mali yon, e lahat naman ng ginagawa mo, para sa'kin, tama. Pero bakit sa'kin puro mali ang nakikita mo? Kahit anong gawin ko, kahit sa paningin ng iba tama naman, pero pagdating sa'yo, mali pa rin?"
"Luh. Start na naman s'ya ng mga hugot n'ya oh." Sabi ni Janna habang nanonood ng t.v.
"Choose to laugh, 'pag nagkamali." Sabi sa commercial ng wilkins pure.
"Hahahahahahahahaha! Ayan, I choose to laugh. Nagkamali ako eh. Nagkamali akong nainlove ako sa isang tulad mo na wala namang pakealam sa'kin."
"Vince, itulog mo na lang 'yan. Epekto lang 'yan ng puyat." Sabi ni Kristel.
"Baka imbes na eyebags dahil sa puyat ang nanjan sa may mata mo, gawin kong black eye dahil sa suntok ko. Ano!"
Nag lungkut-lungkutan naman si Vince. Parang sira talaga!
"Ang sadista talaga nitong Xian na 'to! Grabe! My heart is... My heart is, ohmygad!"
"Hoy line 'yan ni J-Hope ah! San mo nalaman yan?!" Sigaw ko saka s'ya binato ng unan na nandito sa may sofa.
"Nakita ko lang nung pinapanood mo, pero teka lang Cinds, sa'yo ba may kahit konting hope akong makukuha?" Nag beautiful eyes pa si Vince. Ew!
"Wala."
"Awww. Very no fun, no fun."
"Tumigil ka nga d'yan Vince!" Sigaw ko.
Nag act naman s'ya na parang estatwa at hindi nga nagalaw. Pero maya maya, nagsalita na s'ya pero still, hindi pa rin s'ya nagalaw.
At ito yung sinabi n'ya,
"Ayan, tumigil na ako. Pero yung puso ko, hinding hindi titigil sa pagtibok para sayo Cindy."
"Ah ganon? Sinusubukan mo talaga ako noh?!" Sabi naman ni Xian at saka nanakbo papunta kay Vince. Si Vince naman, ayun gumalaw na at nagtatakbo sila paikot ikot dito sa loob ng bahay nila Janna.
"Hoy tumigil kayo! Baka masagi n'yo yung vase ni mama! Oy! Baka mabasag lagot ako!"
Bigla naman silang tumigil pareho.
"Parang yung puso ko Janna, basag na. Pero hindi ako yung may gawa kung bakit nabasag, si Cindy."
"Aba't--!" Sabi ni Xian saka ulit nagtatakbo yung dalawa. Hinahabol kasi ni Xian si Vince.
"Yung mukha mo babasagin ko Vince, pag di ka pa tumigil."
Napairap na lang ako. Parang mga baliw kasi.
"Cindy awatin mo nga!" Sigaw ni Janna habang nagpapapadyak pa dahil sa inis sa dalawa.
"Aba bat ako?"
"Ikaw ang pinagkakaguluhan eh."
"Luh. Bahala kayo d'yan, tutulog muna ako."
Nahiga muna ako sa may sofa saka nagtakip ng unan sa tenga ko. Ang ingay nila eh.
"Hoy! Tama na kasi! Luh! Cindyyyyy!!!"
Tawa naman ng tawa si Kristel.
Psh.
Mga baliw!
BINABASA MO ANG
Section Ng Mga Hugot Lines
De Todo#66 on Random (021517) Mga kadramahan, at kung ano ano pang hugot na litanya :) Date started: October 30, 2015 On going. Walang matinong plot. These are all product of my mejo baliw na utak. Do not copy without my consent. Please obtain permission...