Hugot 64

375 22 3
                                    

"Cindy, may sakit daw si Janna." Sabi sakin ni Sara

"Eh? Tara dalawin natin? Diba wala parents nya at nasa Cebu? Sabi nya next month pa daw ang uwi? Tara puntahan na natin, walang mag aalaga dun?" Naku naku!

"Kaya nga, tara?"

Bumili kami ng gamot, lugaw at prutas bago kami sumakay ng tricycle papasok sa subdivision nila Janna.

"Tawagan mo nga si Janna, sabihin mo nandito na tayo sa may gate nila."

"Oki. Wait." Kinuha ni Sara ang phone nya at nag dial.

Naka ilang ring bago masagot ni Janna yung tawag.

Inagaw ko kay Sara yung phone at ako ang kakausap sa lukaret na babaeng to.

"H-hello?"

"Hoy Janna! Okay ka lang ba? Nandito kami ni Sara sa tapat ng gate nyo? Papasok na kami ah?"

"Okay, okay. *cough cough*"

Nakasakbit lang naman yung padlock sa may gate nila, hindi naka lock yung gate. Naku! Buti na lang at safe dito sa subdivision nila. Naku kung hindi may nakapasok ng masamang loob dito, nilalagnat pa naman si Janna kaya mahihirapan syang kumilos. Buti nalang at dumating kami para alagaan sya. (Ehem! Ang bait ni Cindy, walang kokontra! Ang kokontra mawawalan ng love life!)

Nagpunta kami sa kwarto nya at nadatnan namin syang  nakakumot ng sobrang kapal at higang higa.

"Janna, eto kumain ka muna." Sabi ni Sara.

"Oo nga, tapos inom ka ng gamot."

"Ang sakit ng ulo ko mga bhe." Hinilot pa nya ang sintido nya.

Naupo si Janna at si Sara naman hinanda yung lugaw.

Nang matapos kumain si Janna ng lugaw, papainumin ko na sya ng gamot.

"Janna, here. Inumun mo tong biogesic" (Ingat! Lul!)

"Anlah, ayoko uminom nyan. Mapait ang lasa ko dyan."

"Atleast pagkatapos mong matikman ang pait, aayos naman ang pakiramdam mo. Parang pag mo-move on. Sa una, mapait. Pero after nun, masarap na sa pakiramdam kasi nalagpasan mo na ang stage of moving on, diba?"

"Naku naman Cindy, may hugot pa ganon?" Imik ni Sara

"Ayoko talaga."

"Shungabels! Pano ka gagaling?"

"Eh di ko nga rin kaya lunukin."

"Kailangan mo nga to, diba masakit pa ang ulo mo? Dali na kasi! Wag mo ko i-beastmode!" Pinandilatan ko pa sya ng mata.

"Chill lang naman Cinds."

"Hatiin mo kaya? Di ko talaga kayang lunukin eh. Kahit kalahati nga hirap pa ako pero sige na pipilitin ko. Dali hatiin mo na."

"Binigay na nga ng buo sayo, ayaw mo pa? Gusto mo pa kalahati? Mas okay ngang nasa 'yo ng buong buo, e. Yung wala kang kahati. Yung wala kang kaagaw. Yung pag aari mo sya ng BUONG BUO!"

"Cindy naman e, may sakit na nga ako, nahugot ka pa rin. Akin na nga!"

Wala na rin syang nagawa kundi ang inumin ito.

"Tch, iinumin rin naman pala. Dami pang echos." Sabi ko saka ko sya inirapan.

"Cinds naman, may sakit ako. Please naman kahit ngayon lang wag mo ko okrayin?"

"Sorna bhe."

Napatawa naman silang dalawa ni Sara.

Kahit naman madalas akong nahugot at mang okray sa mga kaibigan ko, to the rescue pa rin ako sa kanila sa oras na kailangan nila ako, ng kaibigan.

Kbyewalangmaypake

Section Ng Mga Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon